"White Rose"

2K 51 2
                                    

"White Rose"

"Who's that guy?"

"Moe?"

"Tell me. Who's that guy?"

Nakakagulat naman na darating siya dito tapos ayan kaagad ang bungad niya. Ano bang kinakagalit niya?

"Moe? Pwede pa kalma lang?"

Binagsak niya ang kamay niya sa mesa. Nagulat ako. Kitang kita ko sa mata niya ang galit. Anong nangyari? Hindi naman siya ganito kanina sa SAS. Maayos naman kami pero bakit naging ganito siya? Nakakatakot.

"Moe.."

"Tell me Julie Anne! Sino siya? Anong ginagawa niya sa MOA? Bakit siya nandun? Bakit ka niya pinuntahan?"

Inisip kong mabuti kung sino ang tinutukoy niya.

"Si Vieo?"

Nang banggitin ko yun mas lalo kong nakita ang galit sakanyang mata.

"Bumili kasi siya ng ticket. Diba ako ang tindera dun? So ayun. Bumili lang naman siya."

"At talagang sa araw pa kung saan ikaw ang tindera? Nililigawan ka ba nun?"

"Hindi ko alam. Teka paano mo ba nalaman?"

Umupo siya sa upuan na katabi ko.

"Sa ingay ng fans natin hindi ko pa malalaman? At sinabi din sakin ni Mama Ivic."

Nagulat ako. Napatingin ako sakanya.

"Si Mama? Si Mama talaga?"

Tumango siya. "Nagkwento siya. Sabi niya pinuntahan ka daw niya at pinakilala mo pa."

Tumayo nanaman siya at naglakad sa harapan ko. Kahilo naman tong lalaking toh.

"Oo naman. Mabait naman yung tao medyo..presko nga lang."

Tumingin siya sakin. "Crush ka daw niya ah?"

"Talaga? Hindi ko alam. Ano naman ngayon?"

Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sakin ng masama.

"Julie Anne naman! May crush sayo yung tao!"

"Oh tapos? Crush lang naman ah? Ano bang kinakagalit mo?"

Lumapit siya sakin. Lumuhod siya sa harap ko para magpantay kami dahil nakaupo ako.

"Nagagalit ako kasi parang okay lang sayo."

Tumayo ako. Ayoko na ng pinag-uusapan namin. Ano bang tingin niya sakin? Na lumalandi ako dun sa preskong lalaking yun?

"Ewan ko sayo Elmo. Pupunta ka dito sa rehearsal ko tapos aawayin mo ko dahil lang dyan? Bakit? May Janine ka naman na ah? Dun ka! Yung sainyo nga wala akong pakialam kahit deep inside nasasaktan ako pero dahil mahal kita nagbubulag bulagan ako!"

Nanatili pa din siyang nakaluhod. Ako nakatingin sa likod niya. Kainis talaga siya.

"May gusto ka ba sakanya?" Tanong niya.

Bingi ba at manhid talaga tong lalaking tong? Hindi ba niya narinig na sinabi kong mahal ko siya? Naiinis na ko, bahala ka. Gusto mo toh? Sige.

"Bakit hindi ba pwede? Mabait naman siya. Hindi naman niya siguro ako sasaktan diba? Di katulad mo na palagi nalang akong sinasaktan. Mas mabuti pa siguro na siya nalang ang gustuhin ko kesa sayo na hindi ako kayang ipaglaban."

Natahimik ako sandali. Inisip ko lahat ng sinabi ko sakanya. Parang..

"Moe.."

Tumayo siya. Nakatalikod pa din siya sakin.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon