"Afraid"

5.6K 42 1
                                    

"Afraid"

"ELMO!"

"Wag, magagalit si Janine!"

"WEH???!!"

"Oo naman talaga eh magagalit si Janine! Sumbong ko kayo eh."

Lahat ng yan joke lang. Yun naman talaga eh. Pinipilit ko na gawing joke ang isang bagay alam kong nakakasakit sakin. Ang hirap magpanggap noh? Sobrang hirap umarte na okay ka lang kahit ang totoo, hindi naman talaga.

"Juls!"

Napatigil ako sa pag-iisip ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Kuya Rodjun?"

"Nandyan siya."

Napakunot naman ang noo ko. Siya? Don't tell me...

"Thanks Kuya!"

Tumakbo ako papunta sa may labas. Nakita ko siya na nakatayo. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas. Mahabang paliwanagan nanaman ito. Tumingin ako sa paligid at ng makita kong walang tao...

"Hey."

Niyakap ko siya mula sakanyang likuran. Ang tangkad niya. Hindi siya nagsasalita. Sure na ko na alam na niya yung nangyari kanina.

"Galit ka?"

Nang wala akong makuhang sagot sakanya, hinarap ko na siya sakin. Napaka seryoso naman niya pero kita parin ang taglay niyang ka-gwapuhan.

"Sorry na..joke lang naman eh."

Sinamaan niya ko ng tingin. "Joke? Joke lang yun? Palagi mo nalang ginagawang biro ang lahat ng bagay Julie Anne."

Lumakad siya papalayo sakin. Pinagmamasdan niya yung pagtulo ng ulan. Umupo ako sa may bato dun. Yumuko ako.

"Yun nalang kasi yung nakikita kong paraan eh..ang gawing biro ang lahat."

Naramdaman ko ang pagtingin niya sakin.

"Diba sabi nga nila, tired of trying, sick of crying, yeah I'm smiling but deep inside.."

"You're dying." Sagot niya.

Lumakad siya papalapit sakin. Naupo sa tabi ko.

"Yes, I'm dying. Nagamit ko na nga lahat ng acting skills ko para maitago yung nararamdaman ko eh."

Tiningnan ko siya.

"Yun nalang naman ang pwede ko magawa para sa sarili ko diba? Yung ngumiti o mag joke sa harap ng tao para maitago yung sakit na nandito sa puso ko."

"Julie.." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Sorry kung ganun yung ginagawa ko.."

"Tss. Julie, makinig ka sakin ok? Wala namang pumipigil sayo eh. Kung nasasaktan ka at gusto mo umiyak? Iiyak mo. Gusto mo sumigaw dahil galit ka, isigaw mo. Gusto mo tumakbo pata layuan lahat ng ito, tumakbo ka. Tumakbo ka sakin at yayakapin kita ng mahigpit. Gusto mong lumayo? Hahabulin kita. Gusto mo magtago? Hahanapin kita."

"Moe.."

Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang kamay ko. Nilagay niya yun sa pisngi niya.

"Hindi kita pinipigilan na gawin ang lahat ng yan. Mas gugustuhin ko pa na makita kang umiiyak dahil pwede kitang samahan sa pag-iyak kesa naman makita kitang ngumingiti at tumatawa kahit na sa loob loob mo namamatay ka na sa sakit na nararamdaman mo."

Hinalikan niya ang kamay ko.

"Nandito lang ako, Julie oh. Nandito lang ako. Pwede mo kong takbuhan."

"Elmo.."

"Patawarin mo ko kasi ng dahil sakin kaya ka nagkaka ganyan. Patawad talaga pero diba nangako ako sayo? Nangako ako na lalaban ako at magpapakatatag ako para sayo. Para sa atin. Dapat ikaw din. Tayong dalawa ito diba?"

Tumango ako. "Tayong dalawa."

"Lalaban tayo hanggang sa pwede na maging tayo. Hanggang sa bumalik na tayo."

Ngumiti ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit. Ano nalang kaya ang mangyayari sakin kung wala siya para palakasin ang loob ko? Alam ko naman na siya ang dahilan kung bakit nakakaramdam ako ng ganitong sakit pero nawawala sa isip ko na siya pa din ang dahilan kung bakit ako nagpapakatatag. Kung bakit ako naniniwala na totoo ang true love.

"So ok na ah?" Kumalas siya sa yakap ko.

"Ok naman na talaga, ikaw lang itong maarte dyan. Hindi mo pa ko pinapansin. Nag drama tuloy tayo. Nakikisabay lang sa pagbagsak ng ulan?"

Tumayo siya. "Eh kasi naman nakakainis kasi eh. Hindi mo naman kailangan sabihin pa yun."

"Kaya nga joke eh."

"Ayoko kasi ng ganung biro."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Eh paano kung ulitin ko yung joke na yun? Magagalit ka ulit?"

Tiningnan niya ko. Binigyan niya ko ng nakakalokong ngiti.

"Isusumbong kita."

"At kanino naman? Kay Janine?" Biro ko sakanya.

Umiling siya. "Kay Tita Marivic."

Aba! Proud pa ang mokong ng banggitin niya si Mama. Ang lakas ng loob porket alam niyang mahal na mahal siya ng Mama ko. Pabirito eh. Kainis. Ako ang laging pinapagalitan kapag nag-aaway kami. Ako daw ang nay kasalanan. Oh diba? Siya ang anak!

"Chee!"

"Ohh diba takot ka? Haha! Isusumbong kita kay Tita. Inaaway mo nanaman ako."

"Ganun?"

"Oo ganun."

Tumayo ako at nilapit ang mukha ko sakanya.

"So ikaw, hindi ka natatakot sakin?"

Umiling siya. Mas nilapit ko pa ang mukha ko sakanya. Nilagay ko ang kamay ko sa balikat niya.

"Hindi ka natatakot? As in? Kahit na Macho ako, hindi ka pa din natatakot?"

Ngumiti siya at umiling. Marunong lumaban ang loko ah. Hinalikan ko siya sa tenga. Naramdaman ko na nanigas ang buong katawan niya.

"Hindi talaga baby....hindi ka talaga natatakot sakin..." Bulong ko sa tenga niya.

Umiling siya. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Hindi ka naman nananakot eh. Ang tawag dyan nang-aakit."

Tumingin ako sakanya. Langya! Hindi natakot ang loko. Gustong gusto pa ata.

"Suko ka na baby. Hindi mo ko matatakot."

"Tss. Hindi ka talaga natatakot?"

Umiling siya. Humawak siya sa bewang ko at tinitigan ako.

"Hindi mo naman kailangan na maghanap o mag-isip kung ano ang ikakatakot ko sayo."

"Ha?"

Ngumiti siya. "Isa lang naman ang isang bagay na kinakatakot ko sayo."

"Ano naman?"

"Ang mawala ka sakin. Yun ang kinakatakot ko. Ang mawala ka sa buhay ko."

Ipinagdikit ko ang noo ko sa noo niya.

"Pareho lang tayo, Moe. Pareho lang tayo. Yun din ang kinakatakot ko. Ang mawala ka sakin."

"Kaya wag kang mawawala sa buhay ko ah? Takutin mo na ko sa lahat ng bagay wag lang yun." Sabi niya.

Ngumiti ako at binigyan siya ng halik sa pisngi.

"Hindi ako mawawala sayo. Pangako yan."

Sometimes she smiles to hide the pain.

Sometimes she laughs to hide the sadness.

Sometimes she shouts to let the pain out . But what ever she does, she just can't hide the feeling that, she misses that person very much.

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon