"Lose You"

1K 51 1
                                    


"Lose You"

"Uhm, Moe? Aware ka ba sa suot at sa gagawin ng girlfriend mo ngayon?"

Tumango ako. "Bakit po Mommy? May problema po ba?"

Ngumiti siya sakin at inabot sakin ang cellphone niya. Napatulala ako sa nakita ko. Ano ito?

"What the?"

Narinig ko ang pagtawa ni Mommy sakin. Napasimangot naman ako.

"Fix your face, Moses! May prod ka pa. After your prod mo na yan problemahin."

Napailing nalang ako. Alam ko naman na medyo fierce ang prod na gagawin niya pero yung suot niya kasi. Hindi ko masyadong nagustuhan. Hindi niya nasabi sakin yun. Nang matapos ako sa prod ko agad akong pumunta sa dressing room.

"Son? Aalis ka na?"

Tumango naman ako. "Yes, Mom. Alam mo naman kailangan ko balutin si Julie ng kumot."

Natawa naman siya. "Don't be too possessive, Moses. Baka mag away kayo ni Julie niyan."

Napakunot noo ako. "Mag away na kung mag away pero hindi ko nagustuhan na hindi siya nagsabi sa isusuot niya. Lagi nalang namin pinagtatalunan yan eh. Pa sexy ng pasexy ang mga damit na pinapasuot sakanya. Nagkukulang na ba ang GMA sa tela?"

"Ikaw talaga, Moses! Girlfriend mo na si Julie Anne ganyan ka pa din. Don't you trust your girl? Kaya naman niyang dalhin ang damit na sinusuot niya. She's very sexy you know."

Napabuntong hininga ako. "I know, Mom. Matagal na. But her sexiness is for my eyes only."

"Ewan ko sayo, Moses! Puntahan mo na nga siya."

Naglakad na ko palabas ng pinto ng magsalita ulit si Mommy.

"Text me agad para ako na ang magpapadala ng flowers sa bahay nila Julie under your name."

"Why would you do that?"

Ngumisi siya. "Bawas kasalanan kapag nasipa ka mula GMA hanggang Julie's house."

Hindi ko nalang pinansin yun at umalis na. Hindi ko pwede gamitin ang sasakyan ko kaya naman mag tataxi ako. Magpapara na sana ako ng makita ko ang isang pamilyar na sasakyan at isang pamilyar na lalaki na nakatayo doon at nakangiti sakin. Parang robot naman ako na pumunta sakanya.

"Uhm.."

"Need a ride?"

"Pero po.."

Tinapik niya ang balikat ko.

"Pupuntahan mo ang anak ko diba? Malamang sa malamang makikilala ka nila kapag sumakay ka sa taxi. Tara na, matatapos na kasi ang sps at magtataka si Julie kung bakit wala pa ang sundo niya."

Tumango naman ako. Sumakay na ko sa kotse. Tumingin naman ako sakanya na nakangiti lang.

"Uhm, Tito Jonathan? Paano niyo po nalaman na pupuntahan ko si Julie?"

"Knowing you, Elmo. Alam ko na papagalitan mo ang anak ko sa suot niya."

Tumingin siya sakin. Napayuko naman ako.

"Sorry po Tito kung palagi nalang po naming pinag aawayan ni Julie ang isusuot niya. Ayoko lang po na mabastos siya."

"Ano ka ba Elmo! Hanga nga ako sayo at yun ang gusto ko sayo. Pinoprotektahan mo ang prinsesa ko."

Napangiti naman ako. "Thank you po Tito."

"Wala yun. Teka, malapit na tayo. Medyo magtago ka sa tabi at alam mo naman na matinik ang mga fans ni Julie."

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon