"My Name"

2K 58 2
                                    

"My Name"

"Elmo! Ikaw na magsabi nito."

Nagulat ako sa sinabi ng isang staff. For real? Ako talaga? Tumingin ako sa mga kasama ko. Si Janine at Alden.

"Ano? Okay lang ba?"

Parang wala ako sa sarili na tumango. Of course gusto ko. I missed her name especially her.

"Okay."

Lumapit ako kala Alden. Nakatingin siya sa manila paper kung saan namin babasahin ang spiel namin.

"Are you okay?"

Tumingin siya sakin. "Yeah."

Tahimik lang ako at hinayaan na siya. Bigla siyang nagsalita.

"Moe?"

"Hmm?"

"Bagay talaga kayo."

Napatingin ako sakanya.

"What do you mean?"

Ngumiti siya sakin. "Even her name is perfect for your name. Your name only."

"Den?"

"I saw her kahapon sa tech.reh. She's crying. I don't know why. Gusto ko siyang lapitan at tanungin kung bakit siya umiiyak but hindi pwede eh. Then suddenly, dumating si Maq. She's holding a big Elmo stuff toy. Inabot niya kay Julie at niyakap yun ng sobrang higpit."

Natulala ako sa sinabi niya.

"Miss na miss ka na niya."

Tumingin ako sa ibang direksyon.

"How about you? Miss mo na rin ba siya?"

"No."

Tumingin ulit ako sakanya. "Why?"

"Kasi kahit mamiss ko pa siya iba naman ang namimiss niya. Ikaw lang talaga Elmo. Ikaw lang. Pasayahin mo siya Bro." Ngumiti sakin si Alden.

Huminga ako ng malalim at pinuntahan si Janine.

"Janine?"

Tumingin siya sakin. "Bakit little bro?"

Ngumiti ako sakanya.

"Can I?"

Mukhang naintindihan naman niya ang sinabi ko.

"Follow your heart, Moe."

Spiel time na. Alam namin na maraming mag rereact kapag ginawa ko ito. Kahit spiel lang alam ko na my mag rereact pa din. But who cares?

"Julie Anne"

Pagkatapos kong sabihin yun? Parang nag flashback lahat ng nangyari between me and Julie. Her name is so beautiful. Perfect name to describe a perfect lady.

"Julie.."

Naalala ko yung promise ko sakanya last christmas. I'll be her santa this coming christmas. I'll make your wish come true. Tumakbo ako papunta sa backstage. Nakita ko si Maqui.

"Maqui!"

"Oh? Bakit Emong?"

"Where is she?"

"Nagbibihis pa ata."

Ngumiti ako sakanya. "Thanks!"

Tatakbo na sana ako ng hawakan ni Maqui ang kamay ko.

"Maghintay ka nalang dito."

"Ahh. Okay."

Sinamaan niya ko ng tingin. "Ano nanaman ang balak mo? Guguluhin mo nanaman ang isip ng bestfriend ko?"

Umiling ako. "No Maq. Nandito ako para tuparin ang pangako ko sakanya."

"Pangako?"

Ngumiti lang ako. Tumingin ako sa daanan kung san kami lumalabas. And there she is...

"Magalona! Siguraduhin mo lang na aayusin mo na yung sainyo this time kundi lagot ka talaga sakin."

Hindi ko na sinagot pa si Maqui. Nakatingin lang ako kay Julie habang papalakad papunta sa stage. Nagkatinginan kami.

"Hi Julie."

Ngumiti siya. "Hi Moe."

Magkatitigan pa din kami. Napakasaya ko na marinig ang napakalambing niyang boses.

"Moe! Paakyatin mo na si Julie mamaya na kayo magtitigan okay?"

"Ate Reg." Sabay naming sabi ni Julie.

Aakyat na si Julie ng hawakan ko ang kamay niya.

"I'll wait."

Nginitian niya lang ako bago umalis. Naupo ako sa may tabi. Inaantay siya. Then nakita ko ang PA niya. Tinanong ko kung may lakad siya at totoo nga. Meron. Kasama si Abra. Paano ko siya kakausapin?

"Julie!"

Hinabol ko siya. Hindi ko napansin na nakalayo na siya. Hinawakan ko ang kamay niya. Hinila ko siya papunta sa isang kwarto dun.

"Moe? Anong.."

"Okay. Ako muna pwede?"

Tumango siya.

"All I want for christmas is you..Julie Anne."

"Ha?"

Niyakap ko siya. "I'm not perfect. I'm a jerk at times. I'm a fool to hurt the most important girl in my life. I .."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang pag ganti niya ng yakap sakin. Tinago niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Julie.."

"Ulitin mo."

"Ha?"

Niyakap niya ko ng mahigpit.

"Ulitin mo, Moe..say my name."

"Julie.."

"Say it again."

"Julie Anne."

Bumulong ako sakanya.

"I love you Julie Anne.."

"Always remember my name, Moe."

Kumalas siya sa yakap namin. Hinalikan niya ang pisngi ko.

"Always."

Tumango ako at nginitian siya.

"Do me a favor?"

"What?"

"Forget all of these and just remember my name. Only my name Julie."

"Why?"

Dinikit ko ang noo ko sa noo niya.

"Kasi darating ang araw na magsasama ulit ang pangalan mo at pangalan ko."

Hinalikan ko siya sa noo.

"JuliElmo."

Ngumiti siya.

"Happy JuliElmo Day, Elmo."

"Happy JuliElmo Day, Julie."

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon