"Throwback"

7.9K 34 1
                                    

"Throwback"

Mamaya at exactly 9pm.

Ipapalabas ang first movie ko with her.

Just One Summer.

Ultimate throwback.

"Mosey."

"Yes Mom?"

Lumapit siya sakin. Nakita ko ang wagas na ngiti niya.

"Are you really that excited?"

Oh. I get it.

"It is about my tweet Mom?"

Tumango siya. "Efforts to win your girl again? For the Nth time? Seriously Mosey?"

"I'll do anything just to show her that I deserved a second chance."

"Ok. Susuportahan nalang kita sa gusto mo. Just please, wag mong hahayaan na masira kung ano man ang meron ka ngayon ok?"

Ngumiti ako. "Actually Mom, I'm willing to give up everything that I have right now. For her. Mahal ko po kasi talaga siya."

Hinawakan ni Mommy ang pisngi ko at hinaplos ito.

"Ang baby boy ko, hindi ka na talaga baby. Alam mo na kung ano ang magpapasaya sayo. May sarili ka ng ipinaglalaban. I'm proud of you, Son."

"Thanks Mom but I think you should thank her not me."

Tumayo si Mommy. "Haha. I will. Wait, why don't you call her?"

"Later Mom."

"Alright alright." At umalis na si Mommy.

Tumingin ako sa bintana. Ang ganda dito sa baguio. Parang nasa Farm ka lang. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Natanggap na kaya niya?

"KUYAAAAA! JUST ONE SUMMER NA!"

Narinig ko na sumigaw si Arkin. Kinuha ko ang remote ng TV at binuksan yun. Nakita ko ang sarili ko na nag s-skateboard.

Simula na.

Nakatutok ako ngayon sa TV ng biglang nag ring ang phone ko. Hindi ko na nagawa pang tingnan kung sino yung tumatawag.

*phone rings*

"Hello?"

"Elmo Magalona! Ano nanamang pakulo toh?"

Nailayo ko yung phone sa tenga ko sa lakas ng sigaw sa kabilang linya.

"Baby, masakit kaya! Alam ko naman na mataas ang boses mo pero hindi mo naman sana ako kailangan sigawan."

"Sorry. Ano ba kasi toh? Nakakagulat lang ng biglang may kalabaw sa harap ng pinto namin."

Natawa naman ako. "Haha! Hindi mo ba nagustuhan? Tsaka hindi naman totoong kalabaw yan eh."

"Kahit na ba. Nakakagulat pa rin noh. Ang dami mo talagang kalokohan."

"Sabihin mo naman na nagustuhan mo. Alam mo bang naghanap pa talaga ako sa net ng taong pwede mag mascot ng kalabaw at pumunta dyan sa inyo ng ganitong oras."

"Oo na po. Sige na sige na. Salamat para dito ah? Tsaka yung bulaklak na hawak ng kalabaw na toh."

Napangiti ako. Salamat naman at nagustuhan niya.

"Good. Nanunuod ka ba ngayon?"

"Ng?"

"Just one summer."

Narinig ko ang pagtili niya. Haha. Pustahan nakalimutan nanaman niya. Sa dami ba naman ng ginagawa niya eh. Natawa nalang ako at pinakinggan ang mga tili niya.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon