"Child"

1.8K 71 0
                                    

"Child"

"I'm really sorry Mr. Magalona."

Napatingin naman ako kay Julie. Hindi ko maipinta ang mukha niya.

"Julie.."

Tumayo na siya. "Tara na."

At naglakad na siya palayo. Tinitingnan ko lang siya. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Julie.."

"Stop it, Moe. Stop it."

Nakarating na kami sa bahay. Umakyat kaagad siya sa kwarto. Napabuntong hininga nalang ako. Sinundan ko naman siya. Nakita ko siyang nakatingin sa larawan ng isang bata. Naramdaman niya na may nakatingin sakanya kaya siya napatingin sakin.

"Baby.."

Sumampa na siya sa kama at pumikit na. Habang natutulog siya, nakatingin lang ako sakanya. Kaumagahan, wala na kong katabi. Tumayo ako kaagad para mahanap si Julie.

"Julie?"

Nakita ko siya na nasa sofa. Bihis na bihis siya.

"Pupunta ka na ng shop?"

Tumango lang siya sakin. Tumabi naman ako sakanya.

"Nag breakfast ka na ba? Gusto mo ihatid kita?"

Tumayo siya. "Hindi na kailangan."

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Julie naman.."

"Hindi na kailangan, Moe. Hindi na kailangan."

At tska na siya umalis. Malungkot akong umakyat sa kwarto namin. Nakita ko na may tumatawag sakin. Si Mark.

"Oh bakit?"

"Moe! Boys night out tayo! Game ka?"

"Hmm. Hindi ako pwede."

"Tss. Ang tagal ka na naming hindi nakikita!"

"Sorry Bro pero hindi talaga ako pwede."

"Nag-asawa ka lang ganyan ka na!"

Natawa naman ako.

"Dalawang taon na kong kasal ganyan pa din ang sinasabi mo sakin! Parang kelan lang akong nagpakasal ah?"

"Haha! Totoo naman! Puro ka nalang Julie!"

"Mas mahal ko ang asawa ko kesa sayo!"

"Alam ko yun! Nakakapag selos na nga eh!"

"Gago! Nababading ka nanaman!"

At nagtawanan kami.

"So hindi ka talaga sasama?"

"Hindi nga."

"Oh sige na. Basta kapag nagbago ang isip mo, sabihan mo ko kaagad."

"Oo na."

At natapos ang usapan namin. Balak ko na puntahan si Julie ngayon. Wala naman kasi akong pasok kasi ako naman ang boss. Pwede naman akong magtrabaho dito sa bahay. Kapag nasa opisina kasi ako puro pirma dito at pirma doon lang ang ginagawa ko. Kaya minsan pinapa deliver ko nalang yung nga documents dito sa bahay.

"Hello! Nasaan si Julie?"

Ngumiti naman sakin ang kahera.

"Magandang umaga po, Sir Elmo. Umalis po si Ma'am Julie eh."

Napakunot ako ng noo.

"What? Saan siya nagpunta?"

"Ayy. Hindi ko din po alam eh."

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon