"Pang-apat"

1.9K 54 2
                                    

"Pang-apat"

"Mama!"

Niyakap ko kaagad si Mama nung pagbuksan niya ko ng pinto. Halos mabuhat ko na siya. Namiss ko si Mama.

"Ibaba mo nga akong bata ka. Haha."

Sinunod ko si Mama. "Namiss po kita Mama."

Ngumiti siya sakin. "Namiss din kita anak. Tara na sa loob."

Pumunta kami sa kusina. Nagluluto siya. Wow. Sinigang.

"Sinigang yan Mama noh?"

"Haha. Oo. Alam ko kasi na pupunta ka at dahil malamig naman ang pahanon ngayon, naisip ko na paghandaan ka ng mainit at maasim na sinigang."

Pumapalpak ako na parang bata.

"Yey! The best ka talaga Ma. Oo nga po pala, may dala po pala ako sainyong cake."

"Ilagay mo nalang sa ref anak at makain natin mamaya."

Tumango ako. Pumunta ako sa may ref at nilagay ang cake sa loob nito. Bumalik ako kay Mama.

"Ma? Ano nga po pala yung sasabihin niyo po sakin?"

"Mabuti at pinaalala mo. Anak, mag-usap na kayo. Miss na miss ka na niya."

Napayuko naman ako at tumingin nalang sa ibang direksyon. Nahihiya ako kay Mama. Naalala ko na hindi kami nag-uusap.

"Hindi ko kasi maintindihan, Ma."

"Anak? Diba nasa iisang industriya kayo? Dapat alam mo yun diba? Tingnan mo nga yung sayo mas malala pa ang nangyari."

Tumingin ako kay Mama. "Ma, iba naman po yung akin. Siya lang naman po ang gusto kong protektahan."

"Sabi ko na nga ba at nandito ka eh."

Napatingin kami ni Mama sa nagsalita.

"Pa."

Lumapit siya sakin at tinapik ang balikat ko.

"Kamusta anak? Tatlo ang kalaban ah? Kaya mo pa ba o suko na?"

"Jonathan!" Sigaw ni Mama.

Natawa naman ako. Inaasar nanaman kasi ako ni Papa. Alam ko naman na pinapalakas lang nila ang loob ko.

"Hindi po, Pa."

Lumapit si Papa kay Mama at sinumulang tulungan ito sa pagluluto.

"Elmo, ikaw pa din ang manok ko. Ikaw pa din ang pambato namin para sa anak namin. Hindi mo kailangan mangamba dun." Sabi ni Mama.

"Nakilala niyo ba po ba yung tatlong yun?"

"Si Ken Alfonso ba yun? Hindi eh." Sabi ni Mama.

Humawak si Papa sa may baba niya at nag-isip.

"Si Abra nung concert pa ni Julie."

Napatango nalang ako.

"Si Vieo? Nung linggo lang. Bumili siya ng ticket nung si Julie ang nagbebenta."

"Ganun po ba?"

Lumapit silang pareho sakin.

"Ikaw pa din ang the best."

Tingnan ko si Mama at Papa. Nakangiti sila sakin.

"Talaga po?"

Tumango sila. "Walang wala sa kagwapuhan mo, Anak."

Natawa naman ako. "Paano niyo naman po nasabi?"

"Yung tatlo may itsura sana eh kaso wala. Talo." Sabi ni Papa.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon