"Heaven"

1.9K 56 3
                                    

"Heaven"

May nakikita akong liwanag. Nakakarinig ako ng mga humuhuni na ibon. Nakakaramdam ako ng malamig na hangin sa aking balat. Minulat ko ang mata ko. Nakasandal ako sa isang puno. Tumingin ako sa paligid ko at namangha sa nakita ko. Ang ganda. Tumayo ako at naglakad lakad. Napatingin ako sa taong nakatayo sa di kalayuan mula sa lugar kung nasaan ako. Nagpapalipad siya ng kite.

"Moe.."

Alam ko ang tindig na yun. Siya yun. Alam kong siya yun. Naniniwala akong siya yun. Hinihintay ko siyang tumingin sakin hanggang sa..

"Hi Julie."

Lumingon siya. Napangiti naman ako kaagad. Nilahad niya ang kanyang kamay. Tumakbo ako at kinuha yun.

"Moe? Paano tayo nakarating dito? Nasaan ba tayo?"

Ngumiti lang siya sakin.

"Dinala kita dito."

"Anong lugar ba ito?"

Bumalik siya sa pagpapalibad ng kite. Tiningnan ko ang kita na yun. Ang taas. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa harap niya. Pinahawak niya sakin yung kite.

"Hold it and never let it go."

Hindi ko alam pero parang double meaning yun. Nginitian ko siya.

"Never." Sagot ko.

"Good to know."

Nakakaenjoy palang magpalipad ng kite. Ang hangin hangin pa kaya masarap sa pakiramdam. Sabay kaming nagpapalipad ng kite ng may nakita akong bubbles na lumilipad sa paligid namin.

"Bubbles?"

Tumingin si Elmo sa tinitingnan ko. Biglang may mga tawa ng bata akong naririnig. Nagtatakbuhan sila sa paligid namin ni Elmo. Naglalaro sila ng bubbles.

"Ang saya nilang tingnan noh?"

Tumango siya. "Yes. Wala pa kasi silang problema. Puro laro lang ang nasa isip nila. Ang sarap maging bata."

Sumango-ayon naman ako sa sinabi niya.

"Pagod ka na ba?"

Umiling ako. "Hindi pa naman."

"Kain muna tayo?"

Tumango ako. Tinawag ni Moe yung isang bata at pinalaro yung kite. Umupo kami ni Elmo sa ilalim ng lilim nung malaking puno. Hindi ko napansin na may pagkain pala dun. Kumain kami at nagkwentuhan. Puno ng tawa at saya lang ang pinag-uusapan namin. Nang matapos kaming kumain, naglakad lakad kami. Napatakbo ako sa mga magagandang bulaklak. Inamoy ko yun at napaka bango ng mga ito. Pipitasin ko sana para ibigay kay Elmo ng may kamay na pumigil sakin.

"Moe?"

Umiling siya at ngumiti. "Hayaan mo lang dyan yung bulaklak. Wag mong pipitasin para di masayang."

"Gusto sana kitang bigyan."

Hinawakan niyang maiigi ang kamay ko.

"Nasa akin na ang pinaka magandang bulaklak. Hindi ko na kailangan pa ng ibang bulaklak, Julie Anne."

Nakangiting sabi niya. Hindi ko naman naiwasan na mamula. Nakakakilig kasi talaga siya. Hawak kamay kaming naglalakad. Walang humpay na pag ngiti at pag-alala sa magagandang pangyayari sa buhay naming dalawa ang ginagawa namin. Naisipan kong makipaglaro sakanya. Matagal na kaming hindi nakakapag habulan.

"Habulin mo ko, Moe."

Natawa naman siya. "Anong premyo kapag nahuli kita?"

Nag-isip ako sabay ngiti sakanya.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon