"Peace Offering"

2.8K 63 7
                                    


"Peace Offering"

"Sorry na kasi.."

Kinakalabit niya ko. Hindi ko naman siya pinapansin at nanatili na nakatingin sa malayo.

"Sorry na please? Bati na tayo.."

"...."

"Is it too late now to say sorry?"

Kanta niya pero wala epek.

"Hay naku San Jose ah! Ang arte lang."

"...."

Bigla naman siyang tumabi sakin at niyakap ako ng mahigpit. Niyugyog naman niya ko. Lokaret talaga.

"Sorry na!!!" Nag pout siya.

Tiningnan ko naman siya. Nag peace sign naman siya sakin at nag puppy eyes pa.

"Sorry na talaga wala lang naman yun eh. Alam mo yun? Picture lang talaga and diba wala ka naman ng problema dun?"

"...."

"And promise ikaw lang ang bestfriend ko. Picture lang talaga yun so wag ka na magtampo."

Umiwas ako ng tingin at lihim na napangiti. Wala naman talaga sakin yun. Gusto ko lang na nilalambing ako ng bestfriend ko.

"Tss. Ewan ko nalang kung hindi mo pa ko batiin dito."

Tiningnan ko siya. Ano naman ang gagawin niya?

"Isusumbong kita kay Elmo kapag hindi mo ko pinansin!"

Tinaasan ko siya ng kilay. Ano naman kung magsumbong siya? Anong pakialam ko? Aba! Magsama sila kung gusto nila. I mean, magsumbong pa siya kung gusto niya, wag naman silang magsama. Masakit yun.

"Taray mo naman! Ayaw talaga ah?"

Hindi ako nagsasalita. Tinitingnan ko lang siya. Bigla naman may waiter na dumating at lumapit samin.

"Here's your order, Ma'am."

Nagtaka naman ako dahil simula ng dumating kami dito eh hindi pa naman kami umoorder. Nilagay niya ang isang coffee sa harapan ko. Tumingin ako sa waiter. Ngumiti ito sakin.

"Anything else Ma'am?"

"H..Hindi pa naman kami umoorder.."

Ngiti lang ang sinagot niya sakin. Aalis na sana siya ng tawagin ko siya ulit.

"Kuya!"

Lumingon siya sakin. May kinuha siya sa loob ng suot niyang vest at inabot sakin yun.

"Belated happy valentine's day, Ms. Julie."

Tiningnan ko lang ang bulaklak na nasa harapan ko.

"Kuya, may boyfriend yan mamaya masapak ka nun kapag nalaman niyang nagpapa cute ka sa girlfriend niya."

Napatingin ako kay Maqui ng sabihin niya yun. Tumingin akong muli sa waiter. Nakangiti lang ito.

"Matutuwa po siguro ang boyfriend niyo kapag nalaman niyang naibigay ko na yan at sa tingin ko po mas lalo pa po siyang matutuwa kapag ininom niyo na po yan. Sige po, balik na po ako."

Umalis na yung waiter. Naiwan ako na tulala habang hawak ang isang rose.

"Isusumbong na talaga kita kay Elmo niyan."

Natatawang sabi ni Maqui. Napailing nalang ako at nilapag ang rosas sa mesa. Bakit ba siya nagbigay ng ganun?

"Pssst."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon