"Bente"

7.5K 35 2
                                    

"Bente"

Birthday ko ngayon.

April 27.

Twenty years old na ko ngayon araw. Wala naman masyadong pagbabago sa sarili ko. At kung may pagbabago man na meron sa buhay ko, yun ay ang pagbabago sa paligid ko. Yung mga nakasanayan ko hindi ko na kapiling ngayon. Nakakatawang isipin noh? Parang dati lang.

"Mosey! Happy birthday!"

Si Mommy. Nasa Antipolo siya ngayon. Hindi pa kami lumalabas para kumain kasi full ang sched ko.

"Thanks Mom. See you!"

Reply ko sakanya. Nabati na din ako ng mga kapatid ko at hinihiling nila na matupad lahat ng mga kahilingan ko sa buhay. Hangad nila ang mga bagay na magpapasaya sakin.

Maintindihan kaya nila kung yung taong yun ang tanging makakapagpasaya sakin? Ilang taon na din kaming magkasama sa bawat kaarawan naming dalawa. Nasanay na ko, pero ngayon iba na pala. Alam niyo ba na imbis na magpahinga ako, pinili ko nalang na magtrabaho sa birthday ko.

SAS.

Wala naman akong masyadong gagawin sa SAS. May konting pagkanta at paghohost lang naman ang gagawin ko dun. Dito.

"Happy Birthday Isagani."

Tumingin ako sa gilid ko. Si Janine. Si Lynette ni Isagani.

"Thank you." At bumeso ako sakanya.

"Sorry kung wala akong regalo sayo ah? Ikaw naman kasi ayaw mo eh."

Natawa nalang ako. Nagsabi naman talaga ako sa lahat na ayoko ng regalo. Hindi naman sa nagmamalaki ako pero kaya ko naman bumili ng mga materyal na bagay kung gugustuhin ko. Ang importante lang naman sakin eh yung binati mo ko. Mapapasaya mo na ko dun.

"Hayaan mo na at least bumati ka diba? Ayoko lang talagang magregalo ka pa o kahit sino pa."

"Ok sabi mo eh. So, sasama ka pa talaga sa mall show? Ayaw mo muna bang magpahinga tutal birthday mo naman."

Umiling ako. "Mas magada kung mag spend naman ako ng time sa mga fans ko ngayon birthday ko."

Ngumiti siya sakin. Alam ko na naiintindihan na niya ang gusto kong iparating. Tinapik niya ang balikat ko at umalis na. Magbibihis na ata siya para sa spiel.

"Pareng Elmo!"

Si Ruru.

"Oh? Bakit?"

"Happy birthday pala ah?"

"Salamat." Sagot ko sakanya.

"Nga pala, may meeting sa greenroom after mong kumanta at spiel. Pinapasabi nung isang staff eh."

Tumango nalang ako.

"Sige, salamat sayo."

Umalis na siya. Oras na din pala para sa opening. Nagbihis muna ko para sa pagkanta ko mamaya. Nang matapos ako lumabas na ko ng dressing room. Nagkasalubong kami ni Tito Jonathan.

"Happy Birthday sayo Elmo."

Lumapit ako sakanya. "Maraming Salamat po Tito."

Tumango siya at tinapik ang balikat ko. Parang tatay ko na din siya kasi palagi niya kong pinapaalalahanan. Nasa backstage na ko at nakita ko na nagsisimula na pala. Si Julie pala ang nasa opening. Ang galing niya talagang kumanta. Natapos na ang lahat ng artist sa opening at sunod na ko.

Kumanta ako. Ang daming nagtilian. Kilala ko ang mga yun. Boses yun ng fans namin ni Julie. Natapos ang pagkanta at spiel ko ng bumalik ako sa dressing room.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon