"Pula"

2.3K 60 7
                                    

"Pula"

"Maqui."

"Oh Julie? Tuloy ka."

Nandito si Julie ngayon sa bahay ni Maqui. Dinala naman ng dalaga si Julie sa kwarto niya dahil sa nakikita niyang itsura ni Julie, mukhang may problema ito.

"Anong nangyari?"

Tumingin sakanya si Julie. Malungkot ang mga mata. Kinabahan na siya. Nakita na niyang ganito si Julie noon. Ganito si Julie kapag may hindi nakukuha na gustong gusto niya. Sobrang down na down.

"Maq.."

"Oh?"

May nilabas si Julie sa bag niya. Inabot niya yun kay Maqui. Isang plastic bag na punong puno ng..

"Pregnancy test?"

Tumango siya. Kumuha ng unan si Julie at tinaklob yun sa mukha niya. Narinig ni Maqui ang iyak ni Julie. Tiningnan niyang muli ang hawak na pregnancy test. Kaya pala..

"Maq..anong gagawin ko? Hindi ko alam."

"Julie.."

Pinatahan niya si Julie pero hindi umepekto.

"Alam na ba niya toh?"

Umiling si Julie. "Baka mamaya layuan na niya ko. Hindi ko kayang mabuhay ng wala siya. Ayokong mawala siya sakin."

"Ano ka ba! Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Relaks ka lang. Sabihin mo sakanya para malaman niya."

"Ayoko. Hindi niya matatanggap yan."

"Julie naman?"

Umiyak nanaman si Julie. Napakamot nalang ng ulo si Maqui. Naalala niya tuloy nung second year college pa sila. May gustong gusto si Julie na bilhin na damit pero naagaw yun sakanya. Halos umiyak na siya ng dugo dahil nag-iisa nalang ang damit na yun. Gustong gusto niya yun kaya ang ginawa niya binili niya yun sa taong nakakuha ng damit. Marami pang beses na ganun si Julie Anne pero may isang hindi nakakalimutan si Maqui na ginawa ni Julie noon.

"Julie? Sure ka ba talaga?

Ngumiti ng nakakaloko si Julie. Sigurado na nga ito sa gagawin niya. Pumunta si Julie sa library. Marami ng nakikala si Maqui na lalaki na nanliligaw kay Julie. Pinaglalaruan lang ito ng dalaga. Hindi humahantong sa bfgf status ang mga ito hanggang sa may nakilala si Julie na isang lalaki na nagpabago dito.

"Nasaan na yun? Iniwan na ko ah?"

Pumasok na din si Maqui sa loob ng library. Hinanap niya ang bestfriend niyang pasaway hanggang sa nakita niya ito na nakahalik sa isang lalaki.

"Masarap? Gusto mo pa ng isa?"

Tulala ang lalaki ng kumalas si Julie sa halik nila. Nang matauhan tumayo siya at nagsimulang magsisigaw.

"Ikaw! Ikaw! Ninakaw mo ang first kiss ko!"

Natawa naman si Julie sa sinabi ng lalaki.

"Gusto mong bawiin sakin? Game."

Nag pout si Julie. Umatras yung lalaki.

"Ewan ko sayo!"

Umalis na ang lalaki. Nilapitan niya si Julie ngayon na hawak ang labi nito.

"Julie?"

Ngumiti si Julie. "Gusto ko siya Maq"

"Ha? Paglalaruan mo nanaman?"

Umiling si Julie. "This is for real Maq."

"Julie?"

Tumingin sakanya si Julie.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon