"Priority"

1.2K 34 1
                                    


"Priority"

"Would you be my number 2?"

"Julie.."

"Would you? Would you?"

"Julie Anne.."

"Would you be my number 2?"

Dahil sa kakulitan niya kinuha ko ang kamay niya at hinatak siya palapit sakin. Hindi niya naiwasan na mapasigaw. Natawa naman ako. Nakita ko kasi na nakasimangot siya.

"Ang kulit mo talaga.."

"Psssh."

Hinalikan ko siya sa ilong bago ko siya bitawan. Umupo na ulit ako sa sofa. Pagod na kasi ako kasi nag aya pa siya sa taas para lang magpapicture kasama ang fedora hat ko.

"Thank you for coming pala baby ah? It means a lot to me na pumunta ka."

Napangiti ako. "Oo naman. Ikaw pa ba?"

"Anyway, sasama ka ba mamaya sa JapsMusicBox ko? I mean, manunuod ka ba?"

"Are you inviting me?"

"Uhm.."

"If that's the case, sure. Basta ba after your ustream magdadate tayo."

Natawa naman siya. "Oo ba!"

"Good."

Hindi nagtagal at tinawag na siya. Ang sexy ng suot niya. Gusto ko man siyang takluban ng kumot pero hinayaan ko nalang kasi may tiwala naman ako sakanya. At alam ko din na kaya naman niyang dalhin ang isusuot niya. Bumaba ako at pinanuod siya sa may TV sa backstage. Napakunot noo ako sa ginawa niya na pagtataas ng paa.

"Ang halay naman nun.."

"Nandito na pala ang napaka famous na stage boyfriend eh."

Napangiti ako bago ko harapin ang taong nagsalita sa likod ko.

"Bro!"

Nag apir kami.

"Buti naabutan kita? Last week hindi kita naabutan eh."

Natawa naman ako. "Oo, alam mo naman na gusto ko palagi kong tinatakas si Julie."

"Baliw ka talaga. Possessive ka pa din kay Julie kahit pa na girlfriend mo na siya."

"Oo naman Derrick. Ikaw ba naman magkaroon ng girlfriend na katulad niya eh."

"May point ka naman. Anyway, natanggap mo naman yung text ko sayo diba? Bago ko tanggapin yung offer ng SPS na maging partner kami ni Julie sa kantaserye na ito."

Tumango ako. "Oo nga. Thank you bro ah? Salamat sa respeto na binigay mo sakin bago mo tanggapin yung project."

"Oo naman. Alam ko naman na ubod ka ng seloso kaya inunahan ko na si Julie na sabihin sayo. Alam mo ba na nakita ko ang reaction niya. Alam ko na kinakabahan siya kung paano niya sasabihin yun sayo."

"Yeah i know and i trust you bro."

"Thanks. Trabaho lang."

Ngumiti kami sa isa't isa.

"Trabaho lang."

Ilang sandali pa lumabas na sila mula sa stage. Yumakap naman siya kaagad sakin.

"You're cute and funny kanina. You did great!"

Ngumiti siya. "Thanks baby. I'll go change muna ah? You stay here nalang with Derrick."

"Okay."

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon