"Closer"

1.7K 50 2
                                    

"Closer" 


Pinapanuod ko siya mula dito sa kinakatayuan ko. Hindi naman ako ganun kalayo sakanya. Sapat lang para makita ko ang bawat galaw at kilos niya. 


"Ikaw lang talaga ang kilala ko na kapag may pinagseselosan bigla nalang pupuntahan ang babaeng mahal niya at hindi na iniisip pa kung gaano kamahal ang mapasahe at kung gaano kalayo ang lugar." 


Napangiti naman ako sa sinabi niya. 


"I just really wanted to protect her."


"From who? From them?" 


"I saw the picture Ninang. Julie with Kyle? Hindi ako mapapanatag kung nakikita kong may umaaligid sakanya." 


Natawa naman siya sa sinabi ko. 


"Ikaw talaga. Kaya ka ba hindi nagpaparamdam sa mga social sites dahil pumunta ka dito?" 


Tumango naman ako. "Yeah. And hindi din naman ako magtatagal. Baka hanapin ako sa Pilipinas." 


"Tumakas ka nanaman ba?" 


"Parang." 


At pareho kaming natawang dalawa. Umupo ako. Binigyan naman niya ko ng juice. 


"Napaka hardworking ng girlfriend mo." 


"I know and I'm so proud of her. Sinasabihan ko na nga siya eh. Wag masyadong magpapakapagod." 


"Mabuti nalang at nandito ka. At least may magbabawal na sakanyang magpakapagod." 


Tumayo siya at nagpunta na sa loob ng bahay. Tiningnan ko siya ulit. May kumakausap sakanya. Hindi ko naman kailangan mag panic kasi american girl naman ang kausap niya. Bigla siyang tumingin sakin. Ngumiti siya. Umahon siya at lumapit sakin. 


"Hi baby." 


Hinalikan niya ko sa pisngi. 


"Hi baby. Is it fun?" 


Tumango naman siya. "Yeah. Ang saya saya dun oh. Sama ka?" 


"No. Wag na. Dito nalang ako." 


Natawa naman siya. "Dali na. Tapos naman na ang video shoot eh. Kwentuhan lang kasama sila. And tinuturuan ko sila magtagalog." 


"Talaga? Natuto naman ba sila?" 


"Oo naman. Kung ikaw nga tinuruan ko at natuto ka, sila pa kaya?" 


Natawa naman ako. "Magkaiba naman yun baby. Oo laki ako sa english pero alam ko kung paano magtagalog. Si Papa pa ba?" 

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon