"Lovers Quarrel"

10K 22 0
                                    

Bakit late ka?"

Napahinto si Elmo at Alden sakanilang pag-uusap ng marinig nila ang boses ni Julie. Tumingin muna si Elmo kay Alden na para bang nagsasabi na iwan na muna sila ni Julie.

"I know, i know. Haha! Oh ayan na yung cellphone mo bro." binalik ang cellphone kay Elmo at tska umalis.

Nang maka alis na si Alden ay dahan dahan namang nilingon ni Elmo si Julie. Nakita niya itong naka upo at nakatingin sakanya. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng makitang naka pout pa si Julie at naka kunot pa ang noo nito.

"Wag mo akong ngitian." seryosong sabi ni Julie.

"Why? Bawal ba?" umupo siya para mapantayan si Julie.

"Oo bawal kasi hindi tayo bati!"

Natawa naman si Elmo. "Bakit? Ano naman ang ginawa ko sayo?

"Wag mo nga akong tawanan.! Sagutin mo yung tanong ko. Bakit late ka nanaman?"

"Na late lang po ng gising."

Tumaas ang isang kilay ni Julie. Pinipigilan ni Elmo ang matawa kasi sigurado siya na hindi parin naniniwala ang dalaga sakanya.

"Tss. Nalate daw ng gising"

"Totoo nga po."

"Oh sige, at bakit ka naman nalate ng gising? Ano nanaman ang pinagkaabalahan mo at nalate ka ng gising ha? Mag paliwanag ka."

Hinawakan ni Elmo ang kamay ni Julie. "Napuyat kasi ako kakaisip……Sayo." At nginitian niya si Julie ng isang nakakamatay na ngiti.

Inalis niya ang kamay ni Elmo sa pagkakahawak sa kamay niya. "Wag ka nga, mamaya may makakita pa sa atin..ano pa ang sabihin nila. At tska wala ako sa mood para sa mga banat mong yan. Sumagot ka ng maayos Elmo Magalona!"

"Makakita? Eh ano naman alam naman nila na….nililigawan kita. At anong wala ka sa mood sa mga banat ko? Ang sabihin mo kinikilig ka lang Julie Anne San Jose Magalona." wink.

Hinampas ni Julie si Elmo sa braso dahil umaatake nanaman ang kalandian nito. Inaamin ni Julie sakanyang sarili na kinikilig talaga siya sa mga kakornihan ni Elmo. Hindi naman kasi talaga ganun si Elmo. Kilala siya bilang seryosong tao at minsan lang makisama sa mga tao. Siya lang talaga ang nakakakita ng other side ni Elmo.

"Cheeee! kinikilig ka dyan! Sagutin mo muna yung tanong ko kundi hindi kita papansinin."

"Matitiis mo ba ako?"

"Oo! kaya kong tiisin ka noh!"

"Di nga? hindi mo nga matiis tong kagwapuhan ko eh!" at nagpacute na nga si Elmo kay Julie.

"Ikaw ba talaga sasagot ng matino o ngayon palang papahintuin na kita sa panliligaw dahil busted ka na!" pananakot niya kay Elmo.

Biglang nagseryoso si Elmo. Pinaliwanag niya kay Julie kung bakit late na siya natulog.

"Arayyyyyy! Julie! Masakit!" sabay hawak sa nasabunutan niyang buhok.

"Late na nga natapos yung tech.reh kahapon nakuha mo pang gumimik at hindi lang yun nakuha mo pang maglaro ng computer games! Sigurado naman ako na nagsabi ako sayo na maaga call time natin. At ikaw….ayy ELMO!"

"Sorry na. Minsan lang naman kasi mag-aya yung mga kaibigan ko eh..hindi ko na sila natanggihan kasi sinundo nila ako sa condo."

"Anong oras ka umuwi?"

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon