"Strawberry"

2.9K 53 4
                                    

"Strawberry"

"Ouch..ouch..."

Humarap ako sa salamin. Tiningnan ko kung malaki ba yung sugat. Ang sakit ng labi ko. Kumuha ako ng tissue para punasan ang dugo.

"Ang sakit talaga."

Bigla naman akong nagulat ng bumukas ang pinto. Napatingin ako sa taong yun. Hawak ko lang ang tissue na nasa labi ko habang nakatingin sakanya. Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sakin. Lumapit siya. Magkaharap na kami ngayon.

"Masakit?"

Tumango ako. Para naman akong aso na tumango sa tanong niya. Bakit kasi natutulala nanaman ako sakanya?

"Hindi dapat tissue."

"Ha?"

Ngumiti siya sakin. Yung ngiting miss na miss ko. Yung ngiting nagpapatunaw ng puso ko.

"Let me."

And by that. Naramdaman ko ang labi niya na nakalapat sa labi ko. Napapikit ako. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming ganun pero nawala na talaga ako sa halik niya. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko.

"I love the taste of your lips. Bloody strawberry flavor."

"Moe?"

Ngumisi siya. Umupo siya sa sofa dun habang akay akay ako.

"Sa susunod iingatan mo ang sarili mo ah? Wag masyadong hyper." Sabi niya.

"Para saan yung ginawa mo?"

"Edi para matigil sa pagdugo yang labi mo."

Hinampas ko siya. "Ayos na kasi eh. Para saan? Bakit mo ginawa?"

Natawa siya. "Yun na nga. Haha."

"Tss." Tumahimik ako.

Ngumiti siya at inakbayan ako.

"Ok sige sige. Namiss ko ang lips mo. Kanina kasi pagpasok ko dito tapos ganun ang itsura mo? Sobrang na-attract ako. Hindi ko napigil eh."

Napailing nalang ako. Hindi talaga ako naniniwala sa lalaking ito eh.

"Hindi ka pa din naniniwala?"

Tumango ako. Tumingin siya sa ibang direksyon.

"Miss na kita Julie Anne."

Julie Anne. Sa sinabi niya, naniniwala na ko. Everytime na tinatawag niya ko sa pangalan kong Julie Anne, sure na, seryoso siya.

"Namimiss ko ang lahat lahat sayo Julie. Namimiss ko ang boses mo. Ang mga kwento mo. Ang yakap mo. Ang halik mo. Lahat. Miss na miss ko na ang Julie Anne San Jose ko."

"Moe.."

Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Pumikit siya. Alam ko kasi nakita ko sa salamin na katapat namin.

"Please, kung panaginip lang na nagkahiwalay tayo, paki-gising naman ako oh. Ayoko na dito. Gusto ko ng magising. Gusto na ulit kitang makasama."

Napangiti ako. Ang sweet talaga niyang tao eh. Inalis ko ang ulo niya sa balikat ko at hinarap siya sakin. Nakatingin na siya sakin ngayon.

"Tingin mo ba ikaw lang ang may gustong gumising? Ako din moe. Gustong gusto ko ng magising sa bangungot na ito."

"Julie.."

Ngumiti ako. "Sabay tayong gumising ah?"

"Paano?" Tanong niya.

Ngumiti ako ng napakalawak. Hinawakan ko ang matambok niyang pisngi. Pinadaanan ko ng daliri ko ang mukha niya na parang kinakabisado ko yun.

"Julie?"

"Shh.."

"Anong ginagawa mo?"

"Ginagawa ko? Gigisingin kita."

"Ha?"

Napangiti ako ng makita ko siyang nakapikit habang hinahalikan ko ang labi niya. Totoo naman. Hindi na bata ang lips ko. Siya kasi eh. Pinagsamantalahan niya ang labi ko.

"Mmmm.."

Kumalas ako.

"Gising ka na?"

Umiling siya. "Hindi pa. Pwedeng isa pa?"

Natawa naman ako ng malakas.

"Ayoko na. Tama na yun nakakarami ka na eh."

"Baby naman?"

Nakapout pa ang loko.

"Wag ka nga Elmo. Lumabas ka na at baka may makakita pa satin na magkasama tayo. Issue nanaman."

"Sino naman? Mga kaibigan naman natin yan."

Hinaplos ko ang pisngi niya.

"Alam ko naman yun pero may mga reporters na nakakapasok dito kaya kailangan mag-ingat. Go na."

"Julie?"

"Go na Moe. Baka hinahanap ka ng girlfriend mo."

Ngumisi siya. "Oo nga baka hinahanap ako ng girlfriend ko."

Sinamaan ko naman siya ng tingin tapos binatukan.

"Anong sabi mo? Pinaninindigan mo ba yan ha?"

Nag peace sign siya.

"Joke lang. Ikaw ang asawa ko remember?"

"Mabuti na yung malinaw. Sige na alis na."

Lalabas na sana siya ng bigla siyang tumakbo ulit papalapit sakin.

"Oh ano nanaman?"

"Nakalimutan ko."

Napakunot noo ako. "Ang ano?"

Hinalikan niya ko. Isang madiin na halik.

"There you go. Strawberry flavor. Wala ng blood eh."

"ELMO MAGALONA!" Sigaw ko.

Lumabas siya habang tawa ng tawa.

"I LOVE YOU BABY! I LOVE YOUR LIPS TOO! Meant to be talaga ang mga lips natin!"

Napailing nalang ako at napangiti. Nakakamiss din ang kapilyuhan niya.

"Strawberry flavor."

Sabi ko sa sarili ko. Nalasahan ko kung anong nalasahan niya. Tama siya. Meant to be ang lips namin parang kami lang.

Naniniwala ako na nasa loob lang kami ng isang panaginip.

Magigising din kami. Magiging din tayo.

Soon.

The End.

- sabaw. :) hahahaha. Natatawa ako. #UmaayonTalaga ;))

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon