"Wings"

1.2K 42 0
                                    


"Wings"

Napatingin ako sa oras. 3:30 na. Agad akong bumangon at naghilamos. Paglabas ko ng banyo na kita ko siya na mahimbing pa din na natutulog. Napangiti naman ako. Lumapit ako sakanya at hinaplos siya sakanyang maganda at malambot na mukha.

"Hey beautiful, 3:30 pm on the dot."

Unti unti niyang minulat ang kanyang mata. Umupo siya habang kinukusot ito. Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Maaga pa.."

Bahagya akong natawa. "I know pero kailangan mo ng mag-ayos. Kilala kita matagal kang mag-ayos ng sarili mo. Girls..tsktsk."

Nag pout naman siya. "Hindi naman masyado. Tska simple lang naman ang isusuot ko mamaya. Konting make up lang."

"Kahit nga walang make up, maganda ka pa din. Sige na, take a quick bath. Magpapa deliver muna ko ng merienda. We'll have dinner nalang sa resto."

Ngumiti siya sakin at tumango. Hinalikan ko siya sa noo bago ako lumabas ng kwarto ko. Kinuha ko ang phone ko at tumawag sa yellow cab. Ilang minuto pa ang nakalipas dumating na ito. Nilapag ko yun sa mesa.

"Babe? Are you done? Nandito na yung pizza."

Walang sumasagot. Pinuntahan ko siya sa kwarto. Nakita ko na nakaupo siya sa kama. Nakatapis siya ng tuwalya habang hawak ang kanyang tyan. Lumapit kaagad ako sakanya.

"Babe? Are you okay?"

Tumingin siya sakin. "Uhm..medyo."

"Bakit hindi ka pa magbihis?"

Nakita ko ang pagkamula niya. Nagtaka naman ako.

"Hey.."

Hinawakan ko ang balikat niya. Kagat labi siyang yumuko bago nagsalita.

"Baby..ano kasi...m..meron ako.."

"Ha?"

Tumingin siya sakin. Nang makuha ko ang sinabi niya agad akong napatayo.

"Oh shit! Paano ba..uhmm, you need something? Tell me."

Bigla siya tumakbo papasok sa banyo. Lumapit naman ako sa pinto nito. Kumatok ako.

"Hey baby."

"Moe, wala kasi akong dalang ano.."

"Wala kang napkin?"

Natahimik ito. Malamang nahihiya.

"Okay sige. You stay here. Bibili lang ako sa grocery sa baba."

Pumunta ako sa side table ko ng makita ko ang inupan niya kanina. May dugo ito. Hindi ko na muna inintindi yun kaya lumabas na ko kaagad. Bumaba ako at nagmadaling pumunta sa grocery. Tama ba ito? Ano kaya ang bibilin ko? Nasa tapat na kasi ako ng feminine section.

"Non wings? With wings? Ano ba toh? May pakpak?"

Kinuha ko naman iyon. Bahala na. Napatingin ako sa paligid ko may mga babaeng foreigners na nagtatawanan sa gilid ko. Buti nalang foreigner. Tumingin pa ko ng iba, may mga nakalagay pa overnight. Ano ba yun? Wala na kong pakialam kaya binili ko na din. Iba't ibang brand. Pumunta kaagad ako sa counter. Nakita ko yung mga tao na nakatingin sa binili ko. Puro kasi napkin ang laman ng basket ko.

"Magkano?"

"1,599.75 po lahat."

Inabot ko ang bayad.

"Hehe. Sorry po sir pero ang sweet niyo naman pong boyfriend. Kayo pa po talaga ang bumili niya para sakanya."

Napakamot ako sa ulo ko. Nahihiya ako.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon