"Tight Chest"

1.2K 46 0
                                    

"Tight Chest"

"Baby, ano ba kasi itong nilagay mo sa lips ko? Ayaw matanggal ng lipstick mo eh."

Oops. Wag kayong ano dyan. Wala lang yan. Pinagtripan ko kasi siya eh. Nilagyan ko ng lipstick ang labi niya. Haha. Ayan hirap siya magtanggal.

"Wipes lang katapat niyan. Matagal ka pa ba dyan?"

Sinamaan niya ko ng tingin.

"Kung di mo lang sana ako nilagyan ng ganito edi sana nakapaglaro na tayo ng computer games."

Natawa naman ako. "Ang cute mo kasi."

"Alam ko naman yun!"

Haha. Yabang talaga. Di ko nalang pinansin. Nagtagal pa ang ilang minuto at ganun pa din ang ginagawa niya. Niyakap ko ang malaking teddy bear na bigay niya.

"Moe..namimiss na kita buti pa tong si Bear nayayakap ko."

Sabay tingin sakanya. Hindi parin siya tapos. Natawa naman ako. Kinuha ko ang cellphone ko at pinost ang picture ko na yun sa IG. Naka timer kasi siya nung ginamit ko. Sexy ko. Pero bigla akong napatingin kay Elmo. Lagot! Kapag nakita niya ito baka magalit siya. Masama pa namang ginagalit si Elmo. Binura ko na kaagad yun. Maya maya natapos na siya.

"Grabe!"

"Okay ka na?"

Tumango naman siya. Bigla siyang napatigil ng makita ang suot ko.

"Mmm. Sexy mo."

Natawa naman ako. "Ewan ko sayo, Elmo Moses Magalona! Yung mata mo nga!"

Ngumisi naman siya. Sumandal siya sa may desk dun.

"Julie, can i strip your clothes off?"

"Ha? Bakit?"

"Because I want to know how angels hide their wings."

Napahinto muna ko sandali at sabay natawa nalang ng malakas. Grabe! Banat pala yun! Haha.

"Ang corny mo!"

Napangiti naman siya.

"Alam mo Julie ang buhay ko parang seesaw!"

"Oh banat nanaman? Bakit?"

"Kasi kapag wala ka down ako. :("

At natawa nanaman ako. Ano ba yan Elmo! Kahit ang corny mo kinikilig ako eh.

"Alam mo ba Julie, ang tingin ko sayo Oatmeal."

Napakunot noo naman ako.

"Gutom lang Elmo?"

Umiling naman siya. "Kasi you're good to my heart."

Napangiti naman ako. Pisti! Ang keso ng lalaking toh! Haha. Lumapit siya ng kaunti sa kamang hinihigaan ko.

"Para kang alak."

"Oh bakit nanaman?"

"Kasi habang tumatagal lalong sumasarap."

Sabay taas baba ng kilay niya. Napahawak naman ako sa tyan ko kakatawa. Ang adik talaga niya. Umupo siya sa may dulo ng kama.

"Julie, ito ang pangako ko sayo. Hinding hindi na ko mag red horse!"

Inirapan ko naman siya. Ayoko talaga niyan eh. Samang ala-ala. Bwiset.

"Totoo? Magbabagong buhay ka na?"

Ngumiti siya. "Hindi noh. Bakit pa ko mag red horse kung sayo palang ang lakas na ng tama ko?"

At binato ko siya ng unan. Baliw talaga ito. Ano bang nakain nito at bumabanat? Haha. Pero kung totoo man yang banat na yan, aba! Maganda. Haha. Gumapang naman siya palapit sakin.

"Julie, alam mo bang ikaw ang lupang hinirang ko?"

"Ayy ayy! Alam ko na yan! Kasi tinatayuan ka noh?"

Napatigil kami. Napahawak ako sa bibig ko at siya naman humagalpak ng tawa. Gosh! Ano bang lumalabas sa bibig mo Julie Anne San Jose? Nahahawa yata ako sa pervert muppet na ito eh. Nakita ko siya na napatayo habang hawak ang tyan niya. Tawa parin siya ng tawa.

"Anong...hahahaha! Anong sabi mo?"

"W..Wala! Adik toh!"

"Hahaha! Hindi may sinasabi ka eh. Tinata..."

Binato ko siya ng bear. Yung maliit lang. Bwiset kasi eh. Nang-aasar pa.

"Elmo!"

Natawa parin siya pero pinagpatuloy na niya ang sentence niya.

"Hahaha. Hindi kasi ang sagot kasi, handa akong...mamatay ng dahil sayooooo."

Sabay hawak sa may dibdib. Namula naman ako dun. Nakakahiya talaga Julie Anne. Lumapit naman siya sakin. Umupo siya sa may gilid ko. Hinalikan niya ang kamay at palad ko.

"Mahal na mahal kita, alam mo ba yun?"

Tumango naman ako. "Oo naman."

"Sana palagi nalang tayong ganito. Masaya at walang problema."

Hinaplos ko naman ang pisngi niya. Gwapo niya ngayon eh. Bagong gupit.

"Palagi naman tayong masaya eh. Lalo na kapag magkasama tayong dalawa."

At niyakap niya ko. Ang sarap ng yakap niya.

"Moe?"

"Hmm?"

"Sumisikip ang dibdib ko."

Bigla niya kong nilayo sakanya. Kitang kita ko sa mukha niya ang pag-alala.

"What?! Bakit? Wait gusto mo tubig? Ano? Ospital kaya? Dalhin na kita?"

Natawa naman ako.

"Hey baby! Wag mo kong tawanan! Bakit masikip ang dibdib mo?"

Ngumiti ako sakanya sabay smack. Ang pogi ng boyfriend ko.

"Kasi sasabog na ang puso ko dahil sa pagmamahal ko para sayo."

Napatigil naman siya dun. Maya maya nakita kong namumula ang pisngi niya. Natawa naman ako. Yan ang maganda sa mapuputi eh. Kita mo kaagad kapag kinikilig. Haha.

"Ikaw ah."

Natawa naman ako. "Akala mo ba ikaw lang marunong bumanat?"

Ngumisi naman siya. Bigla niya kong hiniga sa kama. Nasa ibabaw ko siya ngayon. Sinuklay niya ang buhok ko. Tinititigan niya ko ng maiigi na para bang kinakabisado ang bawat angulo ng mukha ko.

"I love you.."

Napangiti naman ako.

"Mahal din kita."

Sabay halik niya sakin. Malumanay siyang humalik. Talagang pinaparamdam niya sakin ang pagmamahal na meron siya. Nagtagal ang halikan namin at literal na hindi na talaga ako makahinga. Bahagya ko siyang tinulak.

"Time out. Sumisikip na talaga ang dibdib ko. Di na ko makahinga."

Natawa naman siya.

"Gusto mo naman yun eh."

"Chee."

Ngumiti siya sakin. "Julie, alam mo okay na sana eh. Maganda ka, matalino, talented, pero may kulang talaga eh.."

"Ha? Ano naman yun?"

"Yung gamitin mo ang apelyido ko."

Shit! Bigla akong napatayo sa kama at pumasok sa CR. Naririnig ko siyang tinatawag ako pero hindi ko yun pinapansin. Napahawak ako sa puso ko. Sumisikip talaga ang dibdib ko. Hindi na ito dahil sa halik na pinagsaluhan namin kanina. Dahil ito sa...

"Elmo Magalona! Papatayin mo ko sa pagmamahal mo."

The End. 


JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon