"Muppet"

11.7K 50 0
                                    

Time Square. Sa lugar na yun ang next destination namin ni Ninang. Pasyal pasyal lang. Shopping. Kailangang sulitin kasi malapit na akong umuwi at pasukan nanaman. Miss ko na talaga sila Mama at Papa. Si Joanna at Jac. Miss ko ba mga kaibigan ko. Pati si...

"Julie? Nak!" Si Ninang. Tinatawag pala niya ko.

"Po? Bakit Nang?"

"Anong iniisip mo? Kanina pa kita kinakausap, siya nanaman ba ang iniisip mo?"

Napatawa ako. Ewan ko ba si Ninang kasi parang nababasa niya ang iniisip ko. Tumingin ako sa bintana at lihim na napangiti. Oo iniisip ko nga siya. Miss ko na din kasi siya kahit pa araw araw kaming nag uusap. Kaso...

"Nakita ko yun..ayieee"

"Haha. Ikaw po talaga Ninang."

"Ano na? Nakapag usap na ba kayo? Nahahalata ko na hindi ka na ganun nagbababad sa facetime ah? Anong nangyari sainyo ni Elmo?"

Yun na nga. Tulad nga ng sinabi ko araw araw kaming nag uusap. Oo ni Elmo. Siya nga. Ang kaso dumating ang isang araw na wala siyang paramdam. Twitter? Wala. Facetime? Wala. Text? Wala. Tawag? Wala. Wala talaga. Naiinis na nga ako eh hindi ko alam kung ano na ang nangyari sakanya. May nagawa ba ko? Wala naman akong naaalalang away namin para hindi siya magparamdam sakin. Miss na miss ko na siya. Nakapag tweet tuloy ako ng..

"I miss my family, my home, my friends, my toys, my books and you. Oh yes you. #charot #cheezyjulie101 #aaaaah"

"Wala po Nang." Ngumiti ako kay Ninang. Tumingin ulit ako sa bintana at napansin ko na nandito na kami ni Ninang. Hininto niya ang sasakyan.

"Ninang? Dito ka po ba mag park?"

Umiling si Ninang. "Hindi Nak, dun pa. Bumaba ka na may nag aantay sayo dyan."

"Po?"

"Sige na. Hehe. Babalikan kita kaagad."

Bumaba ako ng kotse. Binuksan ni Ninang ang bintana ng kotse para makapag usap kami ng maayos.

"Nak, enjoy this day."

At umalis na siya. Tinitingnan ko lang ang kotse ni Ninang na papalayo sakin. Anong gagawin ko dito? Wala naman akong kasama. Naglakad lakad ako. Picture dito picture dyan. Dahil sa ganda ng mga nakikita ko ngayon nakalimutan ko na wala akong kasama. Maya maya napagod ako. Umupo muna ako sandali. Kakapagod pala mag picture picture. Haha. Hawak ko ang cellphone ko tapos nakita ko yung wallpaper nito. Picture namin ni Elmo.

"Hayy. Nasaan ka na ba? Alam mo bang miss na miss na kita? Elmo...magparamdam ka naman."

Maya maya may batang lumapit sakin. Ang ganda niya mukha siyang manika. Nasa harap ko siya ngayon at nakangiti lang.

"Hello baby. What is your name dear?"

"Mikaela"

"Wow. What a beautiful name. My name is Julie."

"Hello pretty Julie. Can you accompany me for a moment?" At kinuha niya ang kamay ko. Naglakad lakad kami. May kasama ba itong batang toh? Baka naman nawawala kaya nagpapasama? Pero kung titingnan mo siya mukha namang masaya siya at mukha din namang hindi siya nawawala.

"Baby? Where are we going?"

"Do you have a boyfriend pretty Julie?"

Wow. Sinagot niya ang tanong ko ah? Hayaan na nga bata eh. Pero ano ba? Ano bang isasagot ko? Meron ba o wala? Magsasabi ba ko ng totoo sa batang ito? Ngumiti lang ako sakanya at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko na sinagot ang tanong niya.

"Elmo!!!"

Nagulat ako. Kilala niya si Elmo? Tapos bigla siyang tumakbo. Hindi ako nakatingin kung san nagtungo si Mikaela. Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso ko. Gosh. Kinakabahan ako. Si Elmo. Pero imposible pero bakit ganun? Bumilis ang tibok ng puso ko? Si Elmo nga ba...at dahan dahan akong lumingon. Si Elmo nga.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon