"2010"

1.5K 59 3
                                    

"2010"

"Pa, daan muna po tayo sa Shang."

Tumingin sandali sakin si Papa.

"May usapan ba kayo today?"

Umiling naman ako. "Wala naman po pero kasi gusto ko siyang puntahan. May tampo po kasi siya sakin eh. Dapat po magkikita kami kahapon after EB ko pero ang ending, uwi agad sa bahay dahil nagpapatulong po si Mama magluto."

Bahagyang ngumiti si Papa.

"Okay sige. Alam ko naman na naiintindihan niya na kailangan mong puntahan ang Mama mo diba?"

Tumango naman ako. "Pakiramdam ko lang po kasi na nagtatampo siya. Medyo hindi siya nagpaparamdam ngayon eh."

"Sige. Sigurado ka na ba? Hindi ka ba napagod sa mall show mo kanina?"

"Hindi naman po, Papa. Masaya naman eh. Medyo wala lang po ako sa focus kasi..."

Napayuko ako. Naalala ko nanaman siya. Sana naman hindi na siya nagtatampo.

"Bukas ka na umuwi."

Napatingin ako kaagad kay Papa.

"Pa?"

Huminto si Papa sa pagmamaneho. Traffic kasi. Tumingin naman siya sakin.

"Ako na magsasabi sa Mama mo. Basta siya na ang bahala maghatid sayo sa taping ng Buena ah?"

Napangiti naman ako. "Thank you po Papa."

"Welcome. Sa ganitong paraan ko nalang kayo pwedeng masuportahan eh."

Nginitian ko nalang si Papa. Maya maya nakarating na kami sa condo niya. Binaba ako ni Papa sa tapat.

"Pa, una na po ako. Tawagan ko nalang po kayo bukas."

"Sige. Anak? Wag mo muna kong bibigyan ng apo ah?"

Natawa naman ako. "Hindi pa po, Papa."

Sumakay na ko sa elevator. Nang marating ko ang unit niya agad akong nag doorbell.

"Sana naman hindi siya umalis."

Wala pa ding nagbubukas.

"San ba yun?"

Nag doorbell ulit ako. Ilang sandali pa may nagbukas na. Natulala naman ako sa nakita ko. Pwede na sigurong hindi ako mag dinner.

"Baby?"

Napatingin ako sa mukha niya. Sa iba na pala ako nakatingin.

"Hey, bakit hindi mo sinabi na pupunta ka?"

Hinila niya ko papasok sa loob. Nakatulala pa din ako sa itsura niya ngayon. Paano ba naman kasi, naka boxers lang siya at topless. Ang yummy! Pwede ng pang breakfast ang abs niya.

"Sana nagsabi ka na pupunta ka para naman nakapaghanda ako ng pagkain."

"Ha? Uhm..surprise!"

Ako talaga ang na-surprise sa itsura mo.

"Hehe. Thank you baby."

Lumapit siya sakin at hinapit ang bewang ko. Hinalikan niya ko sa pisngi pababa sa leeg. Inamoy niya ko dun. Nakakakiliti.

"Baby.."

Humarap siya sakin. "Kamusta ang mall show mo?"

"Okay naman. Maraming tao."

Napatawa siya. "Hindi naman na bago yun para sa isang Julie Anne San Jose."

Nahampas ko naman siya sa braso.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon