"Her Perfect Night" (A JE One shot)

19K 107 3
                                    

"Her Perfect night"

Sunday morning. A very beautiful sunday morning for her. Palagi namang maganda ang bawat araw niya pero iba ngayon. Not this day. Masaya siyang bumangon sa kama at nagpunta agad sa salamin para suklayin ang kanyang buhok. Napapangiti siya habang tinitingnan ang kanyang sarili. Naalala kasi niya kagabi nung tumawag siya. Isa sa mga espesyal na tao sa buhay niya pero pwede na din masabing sobrang napaka espesyal na tao sa puso niya.

"Hello? Bakit ka napatawag? May problema ba?" Sunod sunod niyang tanong sa kausap. Masaya siya kasi kausap niya ito ngayon.

"Kapag tumawag may problema agad? Hindi ba pwedeng may hihingin lang na favor?" Napangiti siya sa sinabi ng kausap. Oo nga naman sabi niya sa isip maraming dahilan para tumawag ang isang tao.

"Ok ok..hehe. Bakit ka nga po napatawag? Ano namang favor yun?"

"Hehe. Uhmm, basta ba siguraduhin mo sakin na Oo ang sagot mo ah?"

"Nyee." Pero siya pa ba? Pag iisipan pa ba niya yun? Siyempre go na siya agad agad. "Oo na."

"You the best! I'll pick you up tomorrow afternoon tsaka ko sasabihin yung hihingin kong favor sayo."

"Ikaw talaga. Sige sige. See you tomorrow Bye!" Ibababa na sana niya ang telepono kaso biglang nagsalita ang kausap.

"Wait!"

"Oh? Bakit?"

"Good morning. Take care ok? Bye." At ibinaba na niya ang telepono kung alam lang sana ng kausap niya kanina kung gaano siya kasaya tingin niya sasabihin nito nababaliw na siya.

"I'll see you later." Yan ang huli niyang sinabi sa harap ng salamin.

Mabilis ang oras at hindi niya napansin na hapon na pala. Tumingin siya sa orasan at nakita niyang 5:30 na. Nagtataka siya kung bakit wala pa ang inaantay kaya sinubukan niya itong tawagan.

"Hello? San ka na?" Bihis na bihis na siya, simple pero makikita mo naman ang gandang meron siya.

"Tumingin ka sa bintana mo." Sinunod niya ang kausap at napangiti ng tumingin siya sakanyang bintana.

"Ano nanamang pakulo yan Elmo?" Wagas na wagas ang kanyang ngiti dahil sa ibaba kitang kita niya si Elmo na may hawak na bulaklak. Agad agad siyang bumaba at niyakap agad si Elmo.

"Hahaha! Missed me?" Yumakap pabalik si Elmo.

"Oo naman!"

Kumalas sa yakap si Elmo para makita ang kausap. "So? Tara na?"

"Tara! Pero teka lang, ano ba talaga yung hihingin mong favor?"

"Hmm, grocery tayo?"

"Ha?"

Naglalakad sila ngayon sa grocery store. Sa Shang. Maraming tao ang pinagtitinginan sila at naiilang siya di naman dahil sa may nakatingin sakanila kundi dahil wala talaga siyang kaalam alam sa gustong mangyari ng kasama.

"Moe?"

"Hmm?"

"Pinagtitinginan nila tayo."

Napatawa naman si Elmo. "Hindi ka pa ba sanay? Everytime naman na lalabas tayo palagi naman nila tayong pinagtitinginan."

Oo tama. Hindi naman ito ang unang beses na lumabas sila kaya nga dapat sanay na siya. Artista sila minsan nakakalimutan niya yun kapag kasama si Elmo. Nagtutulak ngayon si Elmo ng push cart habang siya naman ay nasa tabi nito at naglalakad.

"Ano ba ang lulutuin mo? Sa mga binibili mo para bang napakadami niyo at mukhang masasarap talaga."

"Ano kasi...gagawa ako ng carbonara at pizza."

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon