"Stangers Inlove"

10K 24 0
                                    

May mga pagkakataon sa buhay ng isang tao na kailangan mo malayo sa mga taong mahahalaga sayo kasi kailangan..kahit na ayaw mo pa pero kung para sa pamilya at para sa kinabukasan mo hindi mo na kaya pang kalabanin yun..wala ka ng magagawa..hmmm..parang itong kwento na naisip ko..kinailangan niya malayo …kinailangan niya lumipat ng school…

Ako si Julie , serious type,tipid kung tumawa at ngumiti..hindi naman kasi ako palatawa..mabait naman ako..seryoso ako sa pag-aaral..alam niyo hindi naman talaga ako ganito ..masayahin talaga ako at laging nakangiti pero simula ng sinabi sakin ng parents ko na ililipat ako ng school yun..nagsimula na ko magbago..hayy..saklap diba ? lilipat ka sa lugar na hindi mo man lang alam kung ano ang pwedeng mangyari sayo dun..kung anong klaseng eskwelahan yun..haiiii…erase na yan..wala na kong magagawa..ayy pupunta nga pala ako ngayon sa mall..bibili din pala ako ng mga gamit ko..habang naglalakad ako may nakaagaw ng pansin ko ..isang necklace ..grabe ang ganda ..hugis bituin at sa gitna nito ay isang heart na gawa sa diamond..

"wow..gusto ko toh..gusto ko bilhin toh..tutal naman malapit na ang birthday ko.." kukunin ko na sana ng biglang …
“ayy..miss sorry ahh pero ako unang nakakita dyan..” sabi ng lalaki.
"woah..ang gwapo …"sabi ko sa sarili.
“uhmm miss ? pwede bitawan mo na ?”sabi niya.
“pero paanong ikaw eh nauna nga ako sayo dito..tumingin ka nalang ng iba dyan..oh kaya magtanong ka kung may stock pa nito..” sinabi ko sakanya.
“pero miss ako talaga ang unang nakakita nito ..pinapabalot ko na nga yan eh.”sagot niya.
“uhmm ..Ma’am tama po si Sir pinapabalot na po niya yan..binayaran lang po niya yan dun sa cashier” sabi ng sales lady.
“awww…pahiya ako.. :( “sabi ko sa sarili.
“sorry miss ahh..first come first serve ! :D”
“kaasar …gwapo ka sana kaso hindi ka gentleman” sabi ko sa sarili. 
“chee ..sayo na yan !” masungit kong sabi.
“ang sungit mo naman ..tsktsk..sige ka papanget ka ..ang ganda mo pa naman.”
” ehh ano naman ngayon sayo ?? bakla ka atah eh ..bumibili ka ng ganyan”
“ako bakla ? haha ! gusto mo halikan pa kita ?”
“bastos ka” umalis nalang ako.

Hinayaan ko nalang yun..ang ganda pa naman sana kaso ..naunahan ako..first time ko makakita ng lalaki na bumili ng ganun ..bakla ba siya ?? pero parang hindi naman kasi sa gwapo niyang yun ? hmm..baka binili niya para sa girlfriend niya ?? baka nga siguro pero nakakainis talaga siya..bwiseet ! ..

First Day of School ..

.hmmm..ok naman yung mga classmates ko..mababait naman yung mga prof..maganda din naman pala dito sa school na toh..may nagiging kaibigan na din ako …pero may gusto talaga kong gawin..ayyy oo maglibot sa school na toh…para naman hindi ako maligaw..

Sa CR ..

Nagsusuklay ako ng buhok..siyempre naka harap ako sa salamin..napagod ako sa paglalakad kaya dito muna ko..mag aayos muna ko ng sarili ko..

"kahit anong ayos mo…wala ng pagbabago noh..hahaha!"

Isang boses ng lalaki ang narinig ko ..feeling ko nagmumula sa labas kaya hinayaan ko nalang..kakanta nalang nga ako..

..Damn, Damn, Damn,
What I’d do to have you
here, here, here
I wish you were here.
Damn, Damn, Damn
What I’d do to have you
near, near, near
I wish you were here….

"sus..kumanta ka pa ..baka bumagyo pa..tsktsk..hahaha !" isang boses ng lalaki.

Feeling ko talaga may tao eh ..ako ba kausap nung lalaki na yun ?? sabi ko sa sarili.

Tumalikod ako ..nakita ko ang isang lalaki ..tinatawanan ako..naka side view siya kakatawa kaya hindi ko masilayan ang mukha niya..bigla siyang humarap sakin..nagulat ako..

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon