"Thief"

1.2K 46 0
                                    


"Thief"

Pagkababa ko ng sasakyan agad akong pumasok sa gate nila. Nakita ko sila Tito na may kausap na securities. Si Joanna, Jac at Tita naman nasa isang gilid at pinapatahan si Jac na iyak ng iyak. Lumapit ako kala Tita.

"Tita.."

"Moe."

Niyakap niya ko. Kumalas naman ako sa yakap niya at tiningnan sila.

"Ayos lang po ba kayo? May nasaktan po ba sainyo?"

Umiling naman siya. "Wala naman, anak. Kaso nabigla lang sila Joanna at Jac."

Lumuhod ako para mapantayan ko si Jac.

"Are you okay little girl?"

Niyakap niya ko ng mahigpit at doon umiyak ng umiyak. Natakot nga talaga siya.

"Sshhh. Tahan na, nandito na si Kuya."

"I'm scared."

"I know pero I'm your SuperKuya diba? I'll protect you."

Tumingin siya sakin. Pinunasan ko ang luha sa mata niya.

"Promise Kuya?"

Tumango ako. "Promise."

Tumayo ako at tiningnan si Tito.

"Tita? Ano pong sabi ng mga securities?"

"Hahanapin daw nila anak. Titingnan daw nila sa CCTV kung mamumukhaan."

Tumango naman ako. Lumapit muna ko kay Tito. Tinanguan niya ko.

"Mabuti nandito ka Elmo."

"Nagtext po sakin si Joanna."

Napabuntong hininga siya. "Hindi ko na alam kung anong gagawin namin. Sabi nga ng mga security guards gagawa sila ng paraan."

"Maayos din po ito, Tito. Mabuti nalang po at walang nasaktan sainyo."

"Oo nga, lalo na si Julie Anne. Sa kwarto kasi niya papasok yung magnanakaw."

Napatigil ako. Teka, hindi ko alam yun ah? Mukhang nahalata naman ni Tito yun.

"Anak.."

"Sa kwarto po ni Julie?"

"Oo. Hindi ba nasabi sayo ni Joanna?"

Fuck! Sa kwarto ni Julie! Sa kwarto ng mahal ko! Bigla akong nakaramdam ng galit. Paano kung napahamak siya? Paano kung sinaktan siya? Anong gagawin ko?

"ANAK!"

Pinuntahan ko ang guards na nag uusap sa may gate nila.

"Chiefs, nakikiusap po ako na please bantayan niyo naman maigi ang village niyo. Dagdagan niyo naman ng security. Alam niyo na nga na artista ang nakatira dito hindi niyo pa nabantayan? Kung sino sino nalang ba ang pinapapasok niyo sa village na toh? Nakaw lang ang gagawin paano kung may ginawang hindi maganda sa mga taong nakatira dito?"

"Sir, sorry po pero ginagawa na po namin ang lahat ng makakaya namin para maayos ito."

"Chief, nandun na tayo sa maayos pero sana naman doble ingat naman."

"Pasensya na ho kayo Sir."

Nakaramdam ako na may humawak sa balikat ko. Napalingon ako.

"Anak, sige na ako na ang bahala dito. Relax ka lang. Wag ng mainit ang ulo mo."

Huminga ako ng malalim.

"Chiefs, kapag naulit pa ito at may nangyaring masama sa girlfriend ko at sa pamilya niya malalagot kayo sakin."

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon