"Panyo"

13.5K 63 2
                                    

"Panyo."

"Don't you think you deserve my anger for that?"

"Nyel? Ikaw ba yan? Hahaha." Narinig kong hindi na siya nagsasalita. Gusto ko lang naman siyang patawanin baka sakaling umepekto kaso enkkk! Fail. Galit na ata.

"Sa tingin mo ba hindi kita sineseryoso? Heto ako at seryosong nakikipag usap sayo pero parang balewala lang sayo." Seryoso niyang sabi sakin.

"Wala naman talaga yun tsaka diba sinabi ko na naman yun sayo? Bakit ka nagagalit ngayon?"

"Bakit wala ba akong karapatan? You know what? I'm officially missing my girlfriend right now. I badly missing her but i think she doesn't feel the same way with me."

At ibinaba na niya ang tawag. Tiningnan ko ang cellphone ko. First time niya akong babaan ng telepono at napasimangot ako dahil dun at the same time nalulungkot ako dahil siguro sa mga narinig ko mula sakanya. Naglakad ako papunta sa dressing room at nakita ko si Ruru na nakatayo dun.

"Ate Julie." Nakangiting sabi sakin. Baliw talaga tong si Ruru pero ano naman ang magagawa ko eh mas matanda ako sakanya.

"Hello! Maka Ate ka ah? Haha."

"Hmm. Gusto ko lang sabihin sayo na manalo man o matalo tayo nag enjoy ako na makasama sa iisang prod ang nag iisang Julie Anne San Jose. Bihira lang mangyari yun kaya salamat."

Napangiti ako sa sinabi niya."Ako din. Salamat at nagawa mo ng maayos yung mga sinabi ko. Galing! At gusto ko na din mag sorry sayo."

"Ha? Sorry? Para saan?"

"Sure ako hindi nagustuhan ng iba naming fans ni Moe yung nangyari kanina. Lalo na sa comment ni Ate Jaya."

"Hahaha! Ok lang yun nasa showbiz tayo eh! Alam ko naman na sa sarili ko na kahit sino pa ang ipareha sayo yung bagay na meron kayo ni Elmo hindi mapapantayan yun. Nag iisa lang ang tandem niyo."

"Haha. Basta gawin nalang natin ang trabaho natin." Papasok na sana ako sa dressing pero pinigilan ako ni Ruru. "Oh bakit?"

"Ate i mean...Julie."

"Hmm?" Nakikita ko na seryoso si Ruru. Bakit naman kaya?

"Crush kita." Nakayukong sabi niya sakin. Nagulat ako pero kung yun ang nararamdaman niya para sakin wala naman akong karapatan para pigilan yun.

"Ok." Ngumiti ako sakanya.

"Ok lang sayo?"

Tumango tango ako."Oo naman. Crush lang naman pala eh." Nakita kong lumawak ang ngiti ni Ruru. "Ok lang na magka crush ka sakin wala namang problema dun. Ang sakin lang, may laman na itong puso ko at kilala mo naman kung sino. Ayoko lang na kapag tumagal tagal ang pagsasama natin at bigla kang makaramdam ng mas matindi pa sa crush...ay, masaktan ka. Ayoko makasakit ng tao. Mahal ko siya. Mahal na mahal at hindi na magbabago yun."

"Naiintindihan ko. Ikaw at Siya talaga ang karapatdapat para sa isa't isa. Gusto ko lang sabihin sayo kasi kung itatago ko baka hindi na lang crush ang maramdaman ko sayo."

Nilapitan ko si Ruru at pinisil ang pisngi niya. "Ang cute mo! Haha. Sige na umuwi ka na bata may kailangan pa kong gawin. Hehe."

"Ano naman yun? Iisipin mo ba yung next na gagawin natin for next week? Gusto mo tulungan kita?"

Umiling ako. "Hindi tungkol dun. Manliligaw kasi ako kaya kailangan ko ng umalis."

-----------------------------------

"@MyJaps: DON'T HATE. SPREAD THE LOVE."

"@FrencheskaFarr: Whos hatin? Kawawa naman wala magawa hahaha "@MyJaps: DON'T HATE. SPREAD THE LOVE."

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon