"Embrace"

2.1K 59 5
                                    

"Embrace" 


Nagulat ako ng malaman ko na may bed scene sa music video. 


"Ninang? Kailangan ba talaga yun? Pwede bang iba nalang?" 


"Inaanak naman. Nagawa mo nga yung Tidal wave at Not impressed eh. Kakayanin mo din itong Forever." 


Napakamot ako sa ulo ko. 


"Kaya ko naman po Ninang. Ang ibig ko lang pong sabihin.." 


Naputol ang pagsasalita ko ng magsalita si Ninang. 


"Julie, is it about Elmo?" 


Napatigil at natulala ako sa tanong niya. 


"Inaanak, kausapin mo lang si Elmo at maiintindihan niya yun. Naintindihan nga niya yung clothes mo eh. Ito pa kaya?" 


Sa suot ko pa nga nagagalit na siya. Ito pa kayang bed scene? Hindi naman siya literal na bed scene. Yayakap lang siya sakin habang nakahiga kami sa kama. Nakatalikod ako sakanya. Ganun lang naman yun pero ayoko lang na makita ni Elmo. Magseselos yun at masasaktan siya. 


"Basta inaanak ha? Gagawin natin yan. Paalam ka nalang kay Elmo." 


Lumabas na si Ninang. Ilang araw na kaming away bati ni Elmo. Ano pa kaya ngayon kapag ito na ang sasabihin ko? Baka humantong na kami sa break up. Kinuha ko ang cellphone ko. 


"Kuya Jay?" 


Tinawagan ko si Kuya Jay. Sinabi ko na aalis muna ko. Pinuntahan ko siya sa hotel kung nasaan siya. Yes. Nandito siya pero babalik na din siya sa Manila. Hindi siya pwede magtagal dito eh. Hahanapin siya sa Pilipinas at napakalaking issue kapag nalaman nila na nandito siya at kasama ko. 


"Moe?" 


Kumatok ako sa kwarto niya. Bumukas yun pero wala naman siya. 


"Moe?" 


Tumingin ako sa paligid. Wala talagang tao. Nasaan kaya siya? Lumabas nalang ako. Babalik na ko sa set. 


"Where are you?" 


Nag text ako sakanya. Pinagbihis na nila ako. Simpleng sando. Humiga na din ako. Lumapit naman si Ninang sakin. 


"Inaanak? Okay ka lang ba? Nakausap mo na ba si Elmo?" 


Umiling ako. "Pinuntahan ko siya pero wala siya dun." 


"Uhm. Nagtext ako kay Elmo kanina. Actually siya ang unang nakaalam ng gagawin mo." Sabi ni Kuya Jay. 


Napaupo naman ako. "Ha? Kuya Jay naman sana sinabi mo muna sakin. Dapat sakin nalang nanggaling baka mamaya galit na galit na yun tapos kung san nanaman siya mapunta. Baka mag bar yun." 

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon