"Call me: Boyfriend"

11.3K 36 1
                                    

Kapansin pansin ang sweetness ni Elmo kay Julie ngayong araw. Alam naman ni Julie sa kanyang sarili na sweet naman talaga ang binata pero ang level ng ka sweetan niya ngayon ang hindi niya maipaliwanag. Una sa opening, todo kung makaalalay ito, marahil alam niya na may pagka clumsy siya kaya todo ingat si Elmo sakanya. Ayaw na kasi maulit ng binata ang nangyaring aksidente nung Party Pilipinas Stronger. Pangalawa, nung opening prod nilang tatlo ni Alden. Napansin niya ang todong pagpapa cute ni Elmo sakanya lalo na nung kumanta sila ng "Boyfriend". Isang malaking tanong ngayon ni Julie sakanyang sarili kung ano ba ang nangyayari kay Elmo.

"Baby Girl!!!" tawag ni Maqui.

"Maq."

"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo? Ano nanaman ang iniisip mo?" tanong ni Maqui habang naglalagay siya ng make up.

"Hmm, Maq, may napapansin ka ba kay Elmo ngayon?"

Nagtaka naman si Maqui sa tanong ni Julie. "Napapansin? Hmm, anong ibig mong sabihin? Anong meron kay baby boy?"

Humarap si Julie sa salamin. "Ang sweet kasi niya."

Natawa si Maqui. "Loka ka! Matagal naman ng sweet si Elmo ah? Wag mong sabihin sakin na ngayon mo lang na realize? Haha."

"No, Maq. Yung sweetness niya ngayon? Grabe! Sobrang...aah! basta."

"Ayaw mo?"

Tumingin si Julie kay Maqui. "Hmm?"

"Ayaw mong sweet siya sayo?"

"Gu...gusto naman." Nahihiyang sagot ni Julie.

"Aysus! Gusto din naman pala! Haha. Julie, wag ka ng choosy ah! Batukan kita dyan. Hayaan mo nalang si Baby boy Magalona noh!"

At sinunod nga ni Julie ang sinabi ni Maqui na hayaan nalang si Elmo. Patuloy pa din si Elmo sa pagiging sweet kay Julie. After ng spiel nito sa Smart Bro inantay siya ni Elmo sa gilid. Sabay silang pumunta sa backstage, nagpapatulong kasi si Elmo sa kakantahin nila sa Act 2 ng musical nila. Hindi na bago yun kay Julie dahil kapag may hindi alam si Elmo na kantahin nagpapaturo ito sakanya o kaya kay Maqui. Silang dalawa lang kasi ang pinaka close na babae kay Elmo.

"Galing naman!" pumapalakpak pa si Julie.

"Salamat sa nagturo sakin." Sagot ni Elmo. "Ang galing natin dun sa musical, ang galing talaga ni Direk Rico."

"Oo nga! At ang sweet niyo ni Rita ah? Hahaha!"

"Sweet na ba yun? Parang niyakap lang naman ako ni Rita."

"Oo kaya! Kinikilig nga ako nung pinapanuod ko kayo. Sa harap ko ba naman kayo magyakapan diba? Hahaha."

Tumingin ng seryoso si Elmo kay Julie dahilan para mapatigil ang dalaga sa pagtawa.

"Hmm, bakit?" tanong ni Julie.

Ngumiti si Elmo at lumapit kay Julie. "Totoo bang kinikilig ka o...nagseselos ka?"

"Selos? Ako nag seselos?" turo ni Julie sa sarili. "Mangarap ka nga! Hindi noh!"

"Owws? Wala namang masama kung aamin kang nagseselos ka eh! Hahaha!" pang-aasar ni Elmo.

"Hindi ako nagseselos." Tumayo si Julie. "Bahala ka na nga dyan! May prod pa ko magbibihis na ko." At umalis na siya.

At natatawang pinanuod ni Elmo si Julie na maglakad papalayo sakanya.

"Nagseselos daw? Ako magseselos? Halata ba ko kanina? Uh! Kainis ka Julie Anne! Alam mo namang pagdating sa pagmamasid sa kung ano man ang nararamdaman mo, numero unong magaling dun ang bestfriend mo." Sabi ni Julie sa sarili.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon