"Got Her"

9.6K 21 0
                                    

“Again?”

Ngumuso siya ng napakahaba at yumuko. Tumingin siya sa kausap at nag pacute gamit ang nakakamatay niyang mga titig.

“Please…? pumayag ka na..”

“Wag mo nga akong daanin sa pagpapa cute mo. No. Hindi pwede.”

“Ehhh! Sige na? hindi ko din naman gusto yun pero wala akong magawa.”

“Kasi naman! bakit ba kasi may ganyan pa? Meron ka ng AKO.”

Kumapit siya sa braso ng kausap at isinandal ang ulo nito sa balikat ng isa.

“Alam ko naman yun eh..at sobrang swerte ko dahil sa katotohanan na yun..katotohanan na kahit kelan hindi ko pagsisisihan. Kaya please? pumayag ka na…”

“Ok. Pero…hanggang tinginan lang kayo ah? HANGGANG TINGINAN LANG.”

Ngumiti siya ng napaka wagas. “So payag ka na? Yey!! ikaw na the best! The best bestfriend slash…..boyfriend! :)”

“May nakalimutan ka..”

“Ano naman?”

“Bestfriend slash Boyfriend slash Future Husband.”

Niyakap niya ng sobrang higpit ang nobyo at binigyan ng napaka tamis na halik sa pisngi.

“Haha! Yes. Future Husband.”

“Good. Wag mo ng kakalimutan yang tatlong mahahalagang papel ko sa buhay mo.”

“Yes Boss! :)”

“Sige na, mauna ka na dun baka mamaya may makakita pa sa atin lagot tayo.”

“Ok. Puntahan ko na muna siya hindi pa kasi niya alam yung gagawin namin eh..”

Ngumiti ang binata. “Sige.”

“Bye!” at naglakad na siya papunta sa backstage.

“Julie Anne San Jose Magalona!!” sigaw ng binata.

Nilingon ni Julie is Elmo.

“Hanggang TINGINAN lang ah? Hanggang Tinginan lang.”

Natatawang umalis si Julie. Nakiusap kasi si DRG kay Julie kung pwede magpaalan ang dalaga sa kanyang napaka gwapo pero napaka selosong boyfriend kung papayagan siyang kumanta kasama si Alden. Ok naman kasi para kay Julie at alam naman niya na ok lang din para kay Elmo. Kailangan lang talaga niyang unahan ang sumpong ng nobyo dahil kapag huli at sa iba pa nalaman naku! sigurado na siya gera nanaman.

*LOVE PARTY PILIPINAS*

Bago mag prod pinuntahan ni Elmo si Julie pero ng lalapitan na niya ito nakita niyang kasama ni Julie si Alden. Nagtatawanan. Nainis si Elmo pero pinigilan niya dahil ayaw niyang nag aaway sila ni Julie. Naisipan niyang itext ang dalaga.

1 New message.

“Goodluck Mahal ko. Mwuah!!! :**” - Elmo

Natawa si Julie na ikinagulat naman ni Alden.

“Jules? Bakit ka natatawa dyan?”

“Ha? Wala wala. haha!”

“Next na tayo.”

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon