"Mute"

1.5K 52 1
                                    

"Mute"

"Excuse."

Huminga ako ng malalim. Hinayaan ko nalang siyang lumabas ng kwarto. Tumingin ako sa kwarto niya. Wala pa din namang pagbabago. Kami lang siguro ang talagang nagbago. Kinuha ko ang cellphone ko at tumingin ng mga bagay bagay. Nakita ko ang picture naming dalawa. Masaya kami ng araw na ito. Anniversary namin.

"Kung maibabalik ko lang.."

Hindi ko maiwasan na mapaluha. Naalala ko nanaman kasi yung pag-uusap namin kanina.

"Ano tong nababasa ko sa twitter?"

"Ha? Ang alin?"

Kinabahan na ko ng marinig ko yun. Alam ko na nakita niya na ang tinatago ko sakanya. Pinakita niya sakin yun.

"May hindi ka ba sinasabi sakin, Julie Anne?"

Napatingin ako sakanya. Blanko ang expresyon ng mukha niya.

"Uhm.."

Tumayo siya at naglakad lakad.

"May nambabash nanaman sayo?"

"Hmm, wala namang bago dun diba?"

Simpleng sagot ko sakanya.

"May nambabash sayo ng dahil kay Alden."

Alden. Simula nung pumayag ako na makatrabaho siya ulit, heto nanaman..nauulit nanaman ang pinaka ayaw ko. Ang madamay.

"Hayaan mo nalang yan. Titigil din naman yan eh."

Napakunot noo siya. "Nababasa mo ba yung mga sinasabi nila sayo, Julie? Sinasabihan ka na nilang malandi, aasa ka lang daw kay Alden, at naghahabol ka daw."

"Nabasa ko na yan. Wala namang bago dun eh. Alam mo naman ako diba? Hinahayaan ko nalang."

Napahilamos siya sa mukha niya. Alam ko na galit na siya.

"Kung okay sayo sakin HINDI!"

Nagulat ako ng sumigaw siya.

"Hindi okay sakin na hahayaan mo lang kung ano anong sinasabi sayo. Kasi kahit yan ang sinasabi mo, nasasaktan ka. Nahihirapan ka din."

"Moe.."

"Ayoko na ginaganun ka. You're my everything remember? Hindi ka nila kilala para sabihan ka ng mga masasakit na bagay. Below the belt na yun."

Tumayo ako at hinila ko ang kamay niya. Pinaupo ko siya sa tabi ko.

"I love you Moe. Pero yun lang talaga ang pwede kong gawin, ang pwede mong gawin...hayaan nalang natin sila."

Tumingin siya sakin. Iba na ang nakikita ko sa mata niya. Galit at lungkot.

"Excuse."

Tumayo ako. Nakapag desisyon ako na sundan siya. Nakita ko siya sa may veranda. Lumapit ako sakanya at yumakap sakanyang likod.

Kay sarap isipin ang pangarap na tinatamasa parang panaginip ang lahat ika'y sagana ngunit hindi kayang iwasan ang mapanghusgana para bang tuwang tuwa kapag ika'y nadarapa...

Parang ihip lang ng hangin ang panahon,

Maraming tatahakin sa bawat yugto,

Tanong sa sarili kung titigil ba o tatakbo,

Tao lang naman ako na tulad mo..

Naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko na nasa tyan niya. Napangiti ako.

"Gusto ko silang saktan. Gusto kong magalit."

Hinarap ko siya sakin. Namumula ang mata niya.

"Baby, umiiyak ka ba?"

Nalungkot naman ako dun. Alam ko kung gaano kahirap na hindi mo man lang maipagtanggol ang mahal mo.

"Galit ako sa sarili ko."

"Why? Wala ka namang dapat ikagalit sa sarili mo eh."

"I'm mad. Bakit ka nila ginaganun? Pero naisip ko na pwede din namang ako ang dahilan. Kung hindi lang sana..."

Hinalikan ko siya.

"Julie.."

"Wag mo ng balikan ang nakaraan."

Umiling iling siya. Naglakad siya papasok sa loob. Umupo siya sa may sofa at yumuko.

"I told him na kapag dinamay ka niya sa issues niya sa buhay malalagot siya sakin."

Nilapitan ko kaagad siya. Hindi siya nagbibiro sa mga sinasabi niya lalo na kung ako ang dahilan. Ayoko naman na magalit siya. Nag-iiba kasi si Elmo kapag galit.

"Baby, mahal mo ko diba?"

Tumango naman siya. "Tinatanong pa ba yan? Alam mo kung gaano kita kamahal."

"Kung mahal mo talaga ako, tiisin natin okay?"

"Nagagalit lang naman ako kasi ginaganun ka nila eh hindi ka naman nila kilala."

Hinaplos ko naman ang pisngi niya.

"Exactly. Hindi nila ako kilala. Ikaw. Ikaw kilala mo ko diba? Ikaw ang nakakakilala sakin. Dapat pabayaan mo nalang siya kasi alam mo? Wala naman akong pakialam eh. Oo, tama ka na nasasaktan din naman ako. Tao kaya ako. May pakiramdam din naman ako. Pero wala eh. Wala nalang akong pakialam sakanila kasi hindi naman sila mahalaga. Yung mga taong nakakakilala talaga sakin. Sila ang mahalaga. Ikaw ang mahalaga."

Huminga siya ng malalim. Inupo niya ko sa lap niya.

"Sinasabi ko na nga ba simula nung magsama ulit kayo ni Alden sa iisang show, mangyayari nanaman ito. Ikaw nanaman ang nagmumukhang masama at naghahabol."

Nakikinig lang ako sakanya. Gusto kong marinig ang sasabihin pa niya.

"Pero para saan pa at naging SuperBoy mo ko?"

Napangiti naman ako.

"Yes. Superboy ni SuperGirl. Elmo ni Julie." Masaya kong sabi sakanya.

"Hayy. Julie..kung pwede lang talagang pumatol.."

"Shhh. Tama na."

Ngumiti na sakin si Elmo. Hinalikan niya ang balikat ko.

"I'm here. Nandito lang ako palagi para sayo."

And he kissed me.

"Alam ko. Alam na alam ko."

Isa sa mga dahilan kung bakit nakakaya ko ang lahat ng bagay? Masama man o maganda, basta nandyan si Elmo sa tabi ko, wala na kong pakialam pa sa sasabihin ng iba.

"I love you. Luto ka na? Gutom na ko eh."

"I love you too, baby."

Tumayo na siya at nagpunta sa kusina. Pumasok ulit ako sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at cellphone ni Elmo. Pumunta ako kaagad sa twitter. Napangiti ako. Nababasa ko pa din ang mga tweets nila.

"Mute."

"BABY!"

Napatingin ako sa may pinto.

"Coming, Baby!"

The End. 

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon