"Sweet R."

1.5K 48 2
                                    

"Sweet R." 


   "Hi baby!" 

 Bigla siyang kumapit sa braso ko. Sinandal pa niya ang ulo niya sa balikat ko. 

 "Napanuod mo ba yung music video?" Tanong niya. 

Tumingin ako sa ibang direksyon. Humarap siya sakin. 

 "Hey baby, anong problema?" Sinamaan ko lang siya ng tingin.

 "Kailangan ba talaga na dito ko pa malaman na may muntikang kiss na magaganap sa music video mo?" 

 "Ha? diba nagsabi naman ako sayo na may ganung scene?" 

 Hindi ko na siya sinagot at naglakad na ko palayo. Iniwan ko na siya. Hindi ako naiinis sakanya. Naiinis ako sa lalaki na yun. Ang swerte kasi niya. Sobrang swerte. 

 "Moeee!"

 Narinig kong sigaw niya. Hindi ko na siya nilingon pa. Pumunta na ko sa dressing room. Naupo ako dun. 

 "Huy! Mukha mo?" 

 "Mukha ko? Gwapo parin." 

 "Chee. Anong mukha nga yan?" 

 Tumayo ako at naglakad dito at naglakad doon. 

 "Shit lang kasi Maqui! Bakit kasi may ganun sa music video niya?" 

 Napanganga naman si Maqui sakin.

 "Nakakainis! Bakit may ganun? Sabihin mo nga sakin!" 

 Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Maqui. "Hahahaha! Grabe ka Moe! Shit lang! Wala namang kiss na naganap ah? Teka nga sandali lang, yung music video ba talaga ang kinakagalit mo o nagagalit ka kasi naiinggit ka dun sa Amboy na kasama ni Julie sa music video?" 

 Nakatingin lang ako kay Maqui. Kung may isang tao man ang nakakaintindi sa pagseselos ko pagdating kay Julie, si Maqui yun. 

 "Tama ako noh? Hay naku Moe, selos ka nanaman? Elmo naman eh, si Julie para sayo lang. Sakanya ka lang at sayo lang siya." 

 "Hindi ko kasi maiwasan, Maqui. Mahal ko talaga yang best friend mo." 

 "Alam ng lahat yun. Ikaw talaga. Puntahan mo na muna si Julie, okay? Sure ako iniwan mo nanaman siya. Puntahan mo. Ikaw ang SuperElmo niya diba? Ikaw ang Tidal wave na buhay niya. Go na." 

Sinunod ko ang utos niya Maqui. Pumunta ako sa dressing room ni Julie. Nakita ko siya na nakaupo dun habang yakap yakap ang Elmo the muppet na stuff toy na binigay ko sakanya. Kumatok ako para mapansin niya ko. 

 "I try to find it but I..still wanna hold yah...Tidal wave.." 

 Napatingin siya sakin ng bigla akong kumanta. Ngumiti ako sakanya. Lumapit ako sakanya at lumuhod sa harap niya.

 "Baby, I'm sorry." Ngumiti naman siya sakin. 

 "Hindi mo naman kailangan magselos sakanya eh." 

 Ngumiti ako. 

"Sorry na. Alam mo naman ako, seloso pagdating sayo. Ang swerte kasi niya eh." "Umupo ka nga dito." 

 Umupo ako sa tabi niya. Tumingin siya sakin. 

 "Moe, wala ka namang dapat kaselosan." Inangat ko ang kamay niya at nilagay yun sa pisngi ko. 

"Alam ko baby. Mahal mo ko diba?" 

 Tumango naman siya. "Mahal kita." 

 Nanatili kami sa ganung posisyon. Sumandal siya sa dibdib ko habang hawak pa din niya ang Elmo na stuff toy. 

 "May aaminin ako sayo.." 

 "Hmm? Ano yun?" 

 "Nagselos ako kanina sa paborito niyo." 

 Hinarap ko naman siya sakin. "Yung nakaw na halik sa pisngi niya?" Tumango naman siya at nag pout pa. Ang sweet at ang cute talaga niya. 

 "Oo. Ang sweet kasi eh." 

 Napangiti naman ako. At least alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam ng selos. Magaling kasi magtago ng nararamdaman si Julie. Akala mo okay lang ang lahat pero hindi pala. Akala mo hindi nagseselos yun pala ang sakit sakit na ng nakikita niya. 

 "I'm sorry baby kung nasaktan ka o nagselos ka sa nakita mo. Alam mo naman na kailangan kong gawin yun diba?" Tumango naman siya. 

"Sinabi ko lang sayo para aware ka. Ayoko naman isipin mo na hindi ako affected sa mga nakikita ko sainyo ni Janine." 

 Hinalikan ko siya sa noo. 

 "Bagay nga talaga tayo. Pareho tayong possessive sa isa't isa." Natawa naman siya. 

"Mas malala ka nga lang." 

 "Oo na. Dyosa kasi ang girlfriend ko kaya pagbigyan mo na." Tinaasan niya ko ng kilay. "Super yumminess at hotness naman kasi ng boyfriend ko kaya ang dami kong kaagaw sayo. Tulad nalang nung twerk it like miley mo. Ang hot mo dun." 

 Kinindatan ko naman siya. "Tempting na ba?" 

 Ngumisi siya. "Oo. At dahil na tempt ako kanina sa very seductive boyfriend ko kailangan mo g bumawi sakin." 

 "Sa papaanong paraan naman?" 

 "Ano yun?" 

 Tumuro siya sa may bandang pintuan. Tumingin naman ako. Wala naman akong nakita ah? Titingin na sana ako sakanya ng bigla kong naramdaman na hinatak niya ang ulo ko at bigla akong binigyan ng nag-aalab na halik. Napalaki ang mata ko. Naramdaman ko na napangiti siya sa halik namin. 

 "Yan ang dapat sayo. Ninanakawan ng halik." 

 Napangiti naman ako. 

 "Revenge mo ba sakin yan kasi hinalikan ko ang pisngi ni Janine kanina?" Tumango naman siya. 

Nilapit ko naman siya sakin at nakipag nose to nose sakanya. 

 "Sweetest Revenge ever."

 "I love you.." Sabi niya. 

 Hindi ko na siya sinagot. Hinalikan ko nalang ulit siya. Revenge ulit. 

 My sweetest revenge.

 The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon