"Libro"

7.8K 30 1
                                    

"Libro"

"Anong iniisip mo?" Napatingin ako kay Julie.

Nandito nga pala kami ngayon sa isang Coffee shop. Tago ito kaya walang makakakilala sa amin. Miss ko na siya kaya niyaya ko siyang mag hang out kahit dito man lang. Nag-away pa nga kami kasi sabi ko dadalhin ko siya sa isang fine dining resto kaso tumanggi. Gagastos lang daw ako ng malaki. Wala naman kaming ginagawa. Halos mag dadalawang oras na rin kaming nakaupo dito. Nagbabasa siya ng libro.

"Psst. Anong iniisip mo?"

This time nakita ko na binaba niya yung librong binabasa niya at tumingin sakin. Napangiti naman ako. Ang ganda niya talaga. She's wearing her beautiful mysterious face.

"What?" Tanong ko.

"Tss. Salamat at may nasagot ka sa tanong ko." Binalik niya ang kanyang sarili sa pagbabasa.

Napailing nalang ako. Sungit effect. Uminom muna ko ng cold coffee na inorder ko kanina.

"Ikakasal ako."

Nakita ko na bigla siyang napatingin sakin. Hawak pa rin niya yung libro pero ang mata naka tuon lang sakin.

"Hmm? Villa?"

Tumango naman ako. She knows.

"So? Anong problema dun?"

"Nothing. I just don't feel like doing it."

Binaba niya yung libro na binabasa niya. Kinuha niya rin yung orange juice na iniinom niya.

"Why?"

Ngumiti ako sakanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Dahil kung may hihintayin man ako aa harap ng altar, ikaw yun."

Nakita ko ang pagngiti niya. "Sira. Hindi pwede."

"Why? You don't feel like getting married with me?"

Umiling siya. "Hindi yun."

"Eh ano?"

Kinurot niya ang pisngi ko. "Hindi naman si Elmo ang magpapakasal si Isagani po. At sure ako si Lynette ang gusto niyang dalhin sa altar. Not me."

"Kung ikaw lang sana ang leading lady ko sa Villa edi sana mas masaya ang kasalan na magaganap."

Natawa siya. "Work mo yan kaya panindigan mo. Be professional."

"I know. Lagi mo namang sinasabi sakin yan eh. Ewan ko ba ayoko talaga ng mga ganitong eksena."

"Just do it." Ibinalik niya ang atensyon niya sakanyang binabasa.

Supportive siya sa kahit anong gagawin ko. Minsan lang siya magsalita lalo na kung tungkol sa trabaho ko. Ayaw nga niya na nagdadalawang isip ako sa mga gagawin ko eh. Kapag trabaho, trabaho lang. Hindi dapat sinasama ang personal na bagay.

"Julie? Question."

"G." Sagot niya sakin.

"Paano kung ikakasal yung taong mahal mo? Anong gagawin mo?"

Tumingin siya sakin. "Edi hahayaan ko."

Nagulat ako sa sagot niya. So kung ikakasal ako sa iba hahayaan niya lang ako? Hindi man lang niya pipigilan? Napatingin tuloy ako sa ibang direksyon. Alam ko na hindi ko naman sinabi na paano kung ako yung ikakasal pero yun nga. Hindi ko nagustuhan yung sinagot niya.

"Ahh. Ok."

"Moe?"

"Hmm?" Hindi ko nalang siya tiningnan.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon