"Duke"

1.5K 53 5
                                    

"Duke" 


Napabangon ako ng marinig ko ang alarm clock ko. Kailangan ko palang gumising dahil may tatawagan pa ko. Nag check muna ako ng twitter baka mag update about sakanya. 


Checking...


Okay okay..


"Woah. Dean's Lister siya?" 


My baby is so smart and talented. Lahat lahat na ata nasa kanya eh. Bakit hindi niya sinabi sakin? 


Checking again..


Okay..


Napatigil ako sa pag scroll down ng may makita akong tweet. 


"Duke's flirting with myjaps?"


Sino si Duke? Bubuksan ko na sana yung picture ng biglang may kumatok sa kwarto ko. Napabangon naman ako para buksan yun. 


"Hey bro!" 


"Saab? What are you doing here?" 


"Papasama sana ako sayo bro eh." 


Pumasok naman siya sa kwarto ko. Umupo siya sa may kama. 


"Saan naman?" 


"Sa mall." 


"Why me? Where's your husband?" 


Kumuha siya ng unan at niyakap yun. 


"May meeting yung banda eh. Ayoko naman sumama kasi nga pupunta ako sa mall. Niyaya ko si Max kaso may lakad siya. Si Clara naman pupunta sila ni Arkin sa school. Si Frank busy sa girlfriend niya. Si Mom, nagpapahinga. Ikaw nalang ang pag-asa ko eh." 


Meron kaya. Iniisip ko ang girlfriend ko ngayon na may kalandian na iba. Kainis! Sino kaya yun? Kapag nakita ko talaga yang Duke na yan, hahampasin ko siya. 


"Hey Moe!" 


Napatingin ako kay Saab. Nandito nga pala siya. 


"Fine. Hintayin mo ko at maliligo lang ako sandali." 


Pumasok na ko sa banyo. Tumingin muna ko sa salamin. 


"You, Julie Anne San Jose. Pinagpapalit mo ko." 


Naligo na ko. Dun na din ako nagbihis. Paglabas ko nakita ko si Saab na nakatingin sa picture frame sa side table ko. 


"Why?" 


Napatingin siya sakin. "You really love her noh? Kahit pa na pinagbabawalan ka ni Mom, siya pa din ang gusto mo?" 

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon