"Tidal Wave"

1.7K 57 1
                                    

"Tidal Wave" 

Sige, wag mo kong pansinin. Patigasan tayong dalawa ah. Wag kang makalapit lapit sakin kundi sasabunutan talaga kita. Kainis! 

"Jowlie, anong mukha yan? Ayun yung boyfriend mo oh. Ayaw mo bang pansinin?" 

Narinig ko na siya na ang kumakanta. Hindi ko siya pinapanuod. Bahala siya sa buhay niya. 

"Hayaan mo nalang siya, Maq." 

Natawa naman si Maqui sakin. 

 "Alam mo kayong dalawa, ang lalakas na sapi niyo. Mag-aaway kayo dahil lang nagseselos kayo. Bakit ba kasi ayaw niyong aminin na nagseselos kayo ha?" 

"Maq, hindi lang naman yun eh. Yang lalaki na kasing yan puro landi ang alam sa buhay. Wala na ngang show landi much pa din." 

"Palagi ko namang naririnig yan sayo kapag nag-aaway kayo. Palagi nalang, Julie Anne Magalona." 

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wag mo kong tawagin sa ganyang pangalan. Hindi ako yan at hindi mangyayari yan." 

Ngumisi siya. "Bakit naman?" 

"Malandi siyang haliparot siya." 

Tinawanan lang ako ni Maqui. Hindi na ko nagsalita pa. Inaantok na din kasi ako. Kanina pa ko hikab ng hikab dito. Ang tagal naman kasi matapos ng taping eh. Nakita ko na nasa may side ko siya. Hindi ko man siya tinitingnan pero ramdam ko na sinusulyapan niya ko kahit nakatingin pa siya sa monitor. Teka, galit ako sakanya diba? Bahala siya. 

"Bata, kanina ka pa nakasimangot ah? Nag-away nanaman kayo ni Elmo noh?" 

Napatingin ako kay Enzo. Paano ba nila nalalaman na nag-away kami nung Mokong na yun? Bigla siyang natawa.

"Iniisip mo siguro kung paano ko nalaman noh? Nakita ko kasing badtrip si Elmo dun sa may backstage." 

"Talaga? Walampake sakanya." 

Aba! Siya pa ang badtrip ah? Siya na nga tong may kasalanan tapos siya pa ang may ganang magalit? Matinde siya. Tumayo naman ako. Uulitin nanaman kasi. Actually, badtrip din ako kasi dinadaan daanan lang ako? Matigas talaga ah. Nag umpisa ulit kaming kumanta ng matapos yun inalalayan naman ako ni Enzo. Bigla siyang bumulong sakin. 

"Nakita ko din siyang umiyak kanina." 

Napatingin ako sakanya. Pilit lang na ngumiti sakin si Enzo. Umupo ako ulit sa may gilid. Tahimik lang ako. Kapag kinakausap naman sumasagot ako. Pero sinakop ata ni Elmo ang utak ko. Sinakop dahil sa sinabi ni Enzo. Umiiyak siya? Bahagya akong tumingin sakanya. Nakita ko siyang wala din sa sarili. Hindi man lang ngumingiti.

"Julie, sabay tayo sa kanta para magising naman tayo." Sabi nung make up artist namin. 

Pumayag naman ako. Baka sakali kasing mapansin niya ko. Sa kanta niya kasi ako sumasabay. Nagbaliw baliwan kami pero wala eh. Walang reaksyon. Matapos niyang kumanta umalis na siya kaagad papunta sa backstage. 

"Alam mo Jowlie, puntahan mo na. Minsan kasi hindi lahat ng oras ikaw ang tama. Hindi din sa lahat ng oras siya ang tama. Pero lahat ng mali pwede maitama kung isa sainyo ang lalapit at manghihingi ng tawad." 

 "Bakit ako Maq? Ako ba ang may kasalanan?" 

Ngumiti sakin si Maqui. "Siya ba lagi ang may kasalanan, Julie?"

Hindi ko na nasagot si Maqui. Hindi ko din naman alam kung paano siya sasagutin. Pumunta ako sa backstage. Wala naman si Elmo dun. Pumunta ako sa dressing room niya pero wala din siya dun. Umuwi na ba siya? 

"Hinahanap mo si Elmo?" 

Pilit akong ngumiti sakanya at tumango. 

"Nasa green room siya." Ngiting sabi niya sakin.

"Thanks Janine." 

Iniwan ko na siya. Nagbihis muna ko kasi susunod na ang singers prod. Pagkatapos kong magbihis pumunta ako sa green room. Nakita ko siyang nakaupo habang hawak ang cellphone niya. Umupo ako sa tabi niya. Hindi kami nagsasalita. Pareho lang kaming tahimik. Paano ko ba sisimulan.. 

 "Uhm.." Bigla niyang tinago ang cellphone niya. 

 "What?" Huminga ako ng malalim bago magsalita. 

 "Look. I'm sorry sa nagawa ko kanina. I'm sorry kung inungkat ko nanaman yung mga masasamang ala-ala natin. Yung sainyo ni Lauren ni Janine..I'm sorry. Alam ko na may kasalanan din ako. Masyado akong nagising OA sa naging reaksyon ko sa ginawa niyo ni Janine tapos sumabay pa yung pagseselos mo kay Kyle sa Tidal wave music video. Hindi ko na napigilan. Hindi ko napansin na nasobrahan na ko." 

Yumuko ako. Tama si Maqui. Hindi lahat kasalanan ni Elmo. May kasalanan din ako. Hindi sa lahat ng pagkakataon si Elmo ang mali. Madalas pala ako kasi hindi ko siya pinapakinggan. 

 "Hindi ka ba nagsasawa?" Napatingin ako sakanya. 

 "Ang mahalin ka? Hindi. Sa mga nangyayari satin? Oo." 

 Tumingin naman siya sakin. "Alam mo ba kung anong kulang satin? Meron tayong love pero kulang tayo sa trust. Wala kang tiwala sakin na ikaw lang ang mahal ko at lahat ng ginagawa ko palabas lang para mapagtakpan yung relasyon natin. Para ma save ka at ma protektahan ka sa lahat ng issues. Aaminin ko ako din. Nawawalan din ako ng trust pagdating sayo kasi kahit pa alam kong mahal mo ko pero sa estado natin ngayon, takot ako na baka ma fall ka sa iba. Na magsawa ka." 

 Hinawakan ko kaagad ako kamay niya. Hindi ko alam na ganun pala ang nararamdaman niya. 

 "Moe, kahit sawang sawa na ko hindi ko hahayaan na madamay ang pagmamahal na meron ako para sayo."

 "I'm sorry din." Sabi niya sabay halik sa kamay ko. 

Lumapit ako sakanya at niyakap siya. Hinalikan naman niya ko sa pisngi. Nanahimik lang kami. Isa sa gusto ko sa relasyon namin ni Elmo? Kahit pa nag-aaway kami lagi namang may happy ending samin. 

"Yung relasyon natin parang yung kanta mo. Tidal wave." Bigla niyang sabi. 

"Bakit naman?" 

Nakasandal na ang ulo ko sa balikat niya habang hawak niya ang kamay ko. 

 "Ang daming nangyayari sa buhay natin ngayon na parang tidal wave sa lakas ng problema pero kahit ganun ang nangyayari? Ikaw at ako? Pareho nating hindi hahayaan ang bawat isa na mag isa sa shore." 

 Napangiti naman ako sa sinabi niya. "And I will be your one and only.. And together we will be.. So baby please just say you love me..don't leave me out at sea.." 

Bigla kong kinanta sakanya. 

 "It's like a Tidal wave, and it keeps on washin ova, I try to find it, but I still wanna hold ya..Tidal wave..and I just can't let it go cause you know things might be happ'nin like they're supposed ta.." 

Sumabay na siya sakin. Tumigil kami habang may mga ngiting nakalagay sa labi namin. 

 "Maybe it's Love." 

 "Love." Hinalikan ko siya sa labi. 

Ako na ang nauna. Ako naman ngayon. 

 "I love you Julie.." 

 I love you too my tidal wave. 

 The End. 

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon