"Sneaakyy"

6.3K 44 1
                                    

"Sneaakyy"

Julie Anne! Ano bang ginagawa mo? Daig mo pa ang akyat bahay at kriminal eh. Oo nga pala, nandito na ko sa Manila. Walang nakakaalam na nandito na ako bukod sa magulang ko. Nakiusap ako kay Mama at Papa kung pwede ko muna siyang makita tutal hindi ko siya nakasama nung araw na umalis ako.

"Nasaan na ba yun?"

Hinahanap ko yung key card ng unit niya sa bag ko. Please sana nandito.

"Yes!"

Nang mahanap ko na agad kong binuksan ang pinto. Patay ang lahat ng ilaw. Nasaan siya? Parang wala naman siya dito. Inikot ko ang buong condo niya at wala akong nakitang Magalona doon. Napaupo ako sa sofa.

"Ingat na ingat pa man din ako dahil baka makita ako ng mga tao tapos wala ka naman pala. Nasaan ka?"

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Binuksan ko ang ref niya at nakakita ako ng almonds doon. Kinuha ko yun para kainin. Akin kasi ito. Palagi siyang may stock nito lalo na kapag nandito ako sa condo niya.

"Hmm. Ano kayang gagawin ko para ma-surprise ka?"

Nag-isip isip ako kung anong pwede kong magawa para sakanya pero sadyang walang pumapasok sa utak ko. Pumunta ako sa kwarto niya at nakita ko ang isang sticky note dun.

*Meeting with Mom and Jane"

Jane? Nilamutak ko yung sticky note na hawak ko. So kasama niya si Janine ngayon? Hindi man lang siya nagpaalam. Malandi kang Mokong ka. Tumingin ako sa paligid ng kwarto niya at nakita ko ang picture naming dalawa. Napangiti ako.

"Tss. Mahal mo talaga ako noh?"

Narinig ko na may nagbukas ng pinto. Agad agad kong kinuha ang bag ko sa kama niya at tumakbo papasok sa closet niya. Nagtago ako sa mga damit niya dun. Sa ganitong paraan ko nalang siya gugulatin. Narinig ko ang mga yapak niya.

"Nakalimutan ko bang patayin ang ilaw dito? Hmm."

Narinig kong sabi niya. Namiss ko yung boses niyang parang namamaos. Ang gwapo talaga ng boses niya. Lalaking lalaki. Nakakainlove.

"So Jane? Dito nalang muna tayo?"

Napahinto ako sa pag-iisip sa gwapo kong boyfriend ng marinig ko ang pangalan niya. The F. Nandito siya sa condo ni Elmo? Dinala siya dito ng napakalandi at napakapeste kong boyfriend? Elmo Magalona, paninindigan ko na ang pagiging kriminal ko at ikaw ang una kong papatayin. Kayo ng kabet mo.

"Sigurado ka bang okay lang na nandito ako?"

"Oo naman."

"Sabi mo eh. Teka, amoy babae ang kwarto mo ah? Ikaw ah."

"Amoy babae? Seryoso?"

"Oo nga. May dinadala ka bang babae dito?"

Sumilip ako sa butas. Nakita ko na nakaupo si Janine sa may sofa habang si Elmo naman ay nakatayo.

"Oo, ikaw."

POTA. Wala na. Ayawan na ito. Si Janine ang dinadala niya? Mapapatay ko na talaga kayong dalawa.

"Kainis! Ang lalandi niyo!" Bulong ko.

Napahawak ako sa isang damit at ng inangat ko yun napanganga ako. Bwiset na Magalona!

"Haha. Sira ka talaga."

"Haha. Wait magbibihis lang ako."

Binuksan niya ang closet niya at bigla ko naman siyang sinipa kaya napaupo siya.

"Ouch." Sabi ni Elmo habang hawak ang kanyang balakang.

"OH MY! Elmo? Ayos ka lang?" Sabi ni Janine.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon