"City of Dreams"

1.6K 70 4
                                    

"City of Dreams"

"Are you sure? Hind kaya makilala at makita tayo dito?"

Ngumiti lang siya sakin. Hinawakan niya ang kamay ko. Naramdaman ko kaagad na para bang safe na safe ako.

"And so? Wala na kong pakialam kung makita pa nila tayo."

"Adik ka. Ikakasira mo yun."

Hininto niya sandali ang sasakyan. Tumingin siya sakin.

"Baby, mas masisiraan ako ng bait kung hindi kita makakasama."

"Moe.."

Magsasalita na sana ako pero natigil ako ng halikan niya ang kamay ko at ilagay yun sa mainit niyang pisngi.

"Alam mo bang nasasaktan ako? Dun sa set up natin kapag nasa SAS tayo. Hindi tayo ng uusap at palaging nag-iiwasan. Parang hindi nagsama at nagkakilala."

Kitang kita ko sa mata niya ang lungkot. Kung alam mo lang, mas doble ang sakit sakin.

"Baby, alam kong nasasaktan ka din. Pareho naman tayo. Kaya nga heto ako, inaya kitang mamasyal para makasama ka."

"Gusto din naman kitang makasama pero natatakot lang ako kasi kahit pa nagawa na natin ang patagong pagkikita noon, what if makilala at mabuking na talaga tayo ngayon? Ayokong magalit ang Mommy mo."

Ngumiti naman siya. "Mahal ka ni Mommy. Ayaw lang niya na mapahamak tayong dalawa. Pero hindi ibig sabihin nun hindi na tayo pwede magkita."

"Moe.."

Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Just trust me okay? Kahit ano pang mangyari, gawin natin ito dahil mahal natin ang isa't isa."

Unti unti ng sumilay ang ngiti sa labi ko.

"Mahal mo ko at mahal kita."

Tumango siya. "Mahal mo ko at mahal kita."

Mabilis kaming nakarating sa City of Dreams. Nandito kami ngayon sa isang tagong restaurant. Ang galante talaga ng boyfriend ko.

"Baby? Ano bang gagawin natin dito?"

"Kahit anong gusto mo. Kumpleto naman na ang amenities dito eh."

Uminom ako ng juice. "Hmm. Pwede bang magpahinga nalang tayo?"

Bigla naman siyang ngumisi.

"Alam mo bang may hotels dito?"

Tumango ako. "Oo. Ano naman?"

Nagtaas baba naman ang kilay niya. Napatawa naman ako bigla sa naging reaksyon niya.

"Ang pilyo mo ah. Alam mong hindi natin gagawin yun."

Ngumiti naman siya. "Kahit pa mahal na mahal kita at ang sexy sexy mo, napipigilan ko pa naman ang sarili ko."

Napailing nalang ako at napangiti. Kahit pilyo siya may respeto parin siya sakin. Natapos na kaming kumain at nag check in na kami sa hotel. Halos americano at ibang lahi ang nandito. Feeling ko naman safe kami. Nakapasok na kami sa kwarto. Naramdaman ko kaagad ang yakap niya.

"Mahal na mahal kita, Julie Anne."

"Mahal din kita, Moe. Mahal na mahal."

Humiga kami at nanuod ng movie. Kung ano ano nalang ang ginawa namin para masulit ang mga oras at panahon na hindi kami nagkasama. Yung kaming dalawa lang.

"Moe, maliligo muna ko ah."

"Sige. May extra akong damit na dala. Gamitin mo muna."

Naligo muna ko. Medyo matagal akong maligo. Paglabas ko nakita ko na ang damit sa kama. Kailangan ko ng magpalit at basa na ang towel na gamit gamit ko. Nasaan si Moe? Nahagip ng mata ko ang isang gwapong lalaki na natutulog sa kama. Pagod siguro siya. Nagbihis na ko kaagad. Tumabi naman ako sakanya.

"Para kang baby kung matulog."

"Pero kung makakatulog tayong dalawa baka paggising natin may baby na tayo."

Nahampas ko naman siya sa sinabi niya. Nakapikit siya habang tawa ng tawa.

"Ikaw Elmo Magalona! Akala ko ba tulog ka?"

Minulat niya ang mata niya. "Nakapikit lang tulog na kaagad? Haha."

"Cheee!"

Akmang tatayo ako ng bigla niya kong hilahin kaya napahiga ako sa matipunong dibdib niya. Magsasalita na sana ako pero bigla niyang binago ang pwesto namin. Nasa ibabaw ko na siya.

"Baby..."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hinalikan na niya ko. Humalik din naman ako pabalik sakanya.

"Thank you for coming with me today."

Sabi niya matapos ang halik.

"Thank you for everything."

Sabi ko naman. Pinahiga niya ko sa dibdib niya. Sinuklay naman niya ang buhok ko gamit ang malalambot niyang kamay.

"Moe?"

"Hmm?"

"Bakit dito mo ko dinala sa City of Dreams?"

"Sabi nila, lahat ng gusto mong makita, lahat ng pinapangarap mo at lahat ng akala mo sa panaginip mo lang mararanasan ay matatagpuan mo dito sa City of Dreams."

"Hmm. Kaya mo ko dinala dito?"

Tumango siya. "Ikaw kasi ang gusto kong makita. Ikaw ang pinapangarap ko. Hindi ka panaginip dahil totoo ka at natagpuan kita sa hindi inaasahang pagkakataon pero itinadhana ng Panginoon."

Umangat ako. "I'm speechless."

Natawa naman siya. "Wala ka namang dapat sabihin pa."

Nanatili kami sa ganung posisyon. Hindi rin nagtagal ng alarm na ang phone ni Elmo.

"Baby, gising na tayo kailangan na natin umuwi."

Nakatulog pala siya. Nag-ayos na kami at bumaba na. Medyo marami na ang tao kumpara kanina. Hawak kamay kami. Hindi niya ko binibitawan. Mahal na mahal niya talaga ako. Huminto ako sa paglalakad. Ako naman. Ako naman ang magpakita ng pagmamahal sakanya.

"Baby? Bakit?"

Hinarap ko siya sakin. Hinila ko ang kwelyo niya at agad siyang hinalikan. Nakita ko na nagulat siya. Napansin ko din ang ibang tao dun na nakatingin samin. Wala akong pakialam. Ang nakikita lang ng mata ko ngayon ay si Elmo lang. Siya lang.

"Woah."

Kumindat ako sakanya. "You are my dream, Elmo. Remember?"

Napangiti siya. "Baby you are."

Ngiti lang ang sinagot ko sakanya. Naglakad na ulit kami. This time mas mabilis na ang lakad namin. Umuulan na kasi baka matraffic kami. Nakarating na kami sa sasakyan.

"Kaya pa toh. Hindi naman siguro tayo mata-traffic."

Sabi niya habang ako naman nag check ng twitter. Nagulat ako dahil may nag tag na picture sakin sa insta.

"Woah. Nakuhaan tayo na magkahawak kamay kanina."

"Patingin."

Pinakita ko naman sakanya. "Grabe."

Inalam ko kung sino yun pero anonymous lang ang nakalagay. Napailing nalang ako. Sana hindi niya ilabas ito.

"Moe.."

"Kinakabahan ka?"

Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Hindi dapat ako kabahan. Tulad ni Moe, wala na din akong pakialam.

"Hindi."

Napangiti naman siya. Napangiti na din ako.

"Again, thank you for making my dream come true."

"Hmm? Ang ano? Yung dalhin kita sa City of dreams?"

Umiling ako.

"For being mine and not just a dream."

The End. 

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon