"Say Something"

9.6K 28 0
                                    

"Say Something"

Strangers. Best definition to describe their relationship right now. Nawala na ba talaga yung dati? Sila dapat yun eh. Sila.

"Hello." Narinig ko na may kumausap sakanya.

"Ok ka lang tol?" Tanong niya. Si Diva.

Tumango naman siya. Si Julie. Pilit siyang ngumiti para maitago ang katotohanan na nakakaramdam siya ngayon ng sakit. Tao lang siya at nasasaktan. Gusto niyang ilabas ang sama ng loob na nararamdaman niya kaso..wala siyang lakas ng loob. Mahina ang loob niya kahit sabihin pa niyang Macho siya.

"Kaya mo yan..ikaw pa ba? Si Julie Anne San Jose ka kaya."

Pinapalakas niya ang loob ni Julie. Tama si Diva, siya si Julie Anne San Jose. Si Julie Anne San Jose na kakayanin ang lahat. Si Julie Anne San Jose na tatawa kahit nasasaktan na siya. Si Julie Anne San Jose na hindi na kilala ang sarili niya ngayon.

Nginitian niya si Diva. Maya maya nakita niyang dumating yung isang staff. Maghanda na daw kasi rarampa na sila.

"Julie Anne." Tawag ng isang staff.

"Sa grupo ka nila Elmo." Tumingin siya kay Elmo na nakikipag usap kay Janine. Mukha naman silang masaya.

Rampa na. Ipapakilala lang naman siya tapos ok na. Narinig na niya ang pangalan niya. Julie Anne San Jose. Oras naman na para ibang grupo na ang ipakilala. Tumalikod siya at nakita niya na tumingin sakanya si Elmo. Sandali lang yun. Nangungusap ang kanyang mga mata, yun ang napansin niya.

Ang lapit lang ni Julie at Elmo sa isa't isa pero ang pakiramdam niya ang layo layo niya sa binata. Sulyapan. Simpleng tinginan..hanggang dun na nga lang ba sila?

"Julie." Narinig ko na tinawag si Julie. Nagulat siya pero hindi pinahalata. Hindi naman kaso niya akalain na tatawagin siya nito.

"Elmo! Oops, I'm sorry." Si Janine. Lumapit siya kay Elmo, mukhang may sasabihin ata.

Isang tipid na ngiti nalang ang ibinigay ni Julie sakanya bago niya tuluyang iwan si Elmo. Tumingin siya ulit sa binata at nakita niyang nakatingin parin ito sakanya.

Lumipas ang ibang prod..

Natapos ang Sunday All Stars..

Pwede na siyang makahinga ng maluwag. Nagpalit siya agad ng damit at ready na sa pag-uwi. Lalabas na sana siya ng may humawak sa braso niya.

"Can we talk?" Seryoso niyang sabi.

Tumango naman si Julie. Usap lang pala eh. Bumalik sila sa loob ng studio. Wala ng tao. May bakanteng upuan dun sa may piano.

"Tungkol kanina..sa rampa..uhm..ano.."

"Wala yun." Nakangiti niyang sabi kay Elmo.

"Naiilang din naman ako sa sitwasyon kanina..hindi ko inaasahan na ganun ang gagawin nila. Wala akong alam."

Humawak lang si Julie sa piano. Tinitigan niya ito.

"Julie..please say something.."

Tumingin si Julie kay Elmo.

"Commitments after this?"

Napayuko si Elmo. Meron nga.

"Pinakiusapan nila akong ihatid si Janine sakanila."

"You better go." At tumayo na si Julie.

"Julie.."

Ngumiti si Julie. "Kung nag aalala ka sakin..ok lang ako, Moe."

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon