"Superman vs. Peterpan"

9.7K 19 0
                                    

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah !!!"

Isang malakas na sigaw at isang malakas na pagbagsak ang narinig ni Frank mula sa kwarto ni Elmo. Agad niyang inakyat ang kapatid para makita kung ano ba ang nangyayari dito. Kumatok si Frank sa kwarto ng kapatid pero ayaw siyang buksan nito. Kinuha agad ni Frank ang susi ng kwarto ni Elmo at binuksan ang pinto. Pumasok si Frank sa loob ng kwarto ni Elmo at nakita niya ang mga basag na gamit.

Frank : What the? *nagulat* Oi Moses ! anong nangyari dito sa kwarto mo?

Hindi siya sinasagot ni Elmo at nakaupo lang ito sa lapag at nakasandal ang likod sa kama. Lumapit si Frank at umupo sa kama ni Elmo.

Frank : Oi ! ano bang nangyayari sayo ha? Bakit may mga basag na gamit dito?

Elmo : …

Frank : Moses ! Kinakausap kita! Isusumbong kita kay Mom gusto mo?

Elmo : Ano ba yun ? *naiirita*

Frank : Ano bang nangyari?

Elmo : Wala.

Frank : *binatukan si Elmo* Wala daw! Ako pa lokohin mo! ano toh trip mo maglaro ng angry birds at dito mo siya ginawa sa kwarto mo at hinagis mo lahat ng bagay na pwede mong ibato?

Elmo : *nakasimangot pa din*

Minabuti ni Frank na tumingin tingin sa paligid at nakita niya na bukas ang laptop ni Elmo. Tiningnan niya ito at nakita ang isang tweet na nagsasabi na may duet daw si Julie Anne at Sam sa Yahoo OMG!. Tiningnan agad ni Frank ang kapatid at nakatunog na kung bakit ganun ang asal nito. Nilapitan niya si Elmo at marahang sinuntok sa braso.

Elmo : Ano ba Kuya! *naiinis*

Frank : Umayos ka nga! Dahil lang dun kaya ka nagkakaganyan ?

Elmo : Anong dahil dun?

Frank : Alam ko na kung bakit ka ganyan at dahil yun sa Duet ni Julie at Sam.

Elmo : *evil laugh* Ako ? nagkaka ganito ako dahil dun? ASA !!!

Frank : Wag ka nga ! Kilalang kilala kita Moses ! Nagseselos ka noh?!

Elmo : Ako nagseselos? *turo sa sarili* Hindi noh! At bakit naman ako magseselos? May dapat ba akong pagselosan ?

Frank : Alam mo ang labo mo talaga! Puntahan mo nalang kaya siya at ng matapos na yang pagpapahirap mo sa sarili mo! Pati gamit dinadamay mo eh!

Elmo : Ano?

Frank : *tumayo* Puntahan mo na siya. Wag ka ng mag-inarte dyan Moe!

Elmo : Hindi ako pupunta. *tumayo at tumingin sa bintana*

Frank : Sige bahala ka. Malay mo after nilang mag duet kumain sila sa labas..*nag-isip kunwari* Malay mo mag DATE yun! naku! kawawa ka naman! Tsktsk! Ikaw din baka maagawan ka pa.

Elmo : *tumingin ng masama kay Frank*

Frank : Maagawan ka pa ng……..PARTNER. ;)) Chillax! *lumabas ng kwarto*

Naiwan si Elmo sa kwarto niya. Lumapit siya sa laptop niya at tiningnan ulit ang tweet. Napakunot nanaman ang noo niya sa nabasa kaya agad niyang sinarado ang laptop niya at pumunta sa CR para naman makapaghilamos. Tumingin siya sa salamin at bakat pa din sa mukha niya ang inis.

"Umayos ka nga! Dahil lang dun kaya ka nagkakaganyan ?"

"Alam ko na kung bakit ka ganyan at dahil yun sa Duet ni Julie at Sam."

"Wag ka nga ! Kilalang kilala kita Moses ! Nagseselos ka noh?!"

Paulit ulit na naaalala ni Elmo ang mga sinabi ng Kuya niya. Hindi niya maiwasang mag-isip sa mga pinag-sasabi ng mapang-asar niyang kapatid.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon