"Pink"

4.9K 58 2
                                    

"Pink"

Orange is my favorite color.

Lahat ng gamit ko orange. Hindi naman lahat. May touch ng orange pwede na. But now, I really don't like the color of the dress I'm wearing right now.

Pink.

Girly masyado. Macho kaya ako.

"OMG. What's that?"

Napatingin ako sakanya sa may salamin.

"What?"

"That. Your face. Bakit nakasimangot ang pinaka magandang dyosa sa Elmo's World?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tss. Whatever Maq. Nakakainis kasi itong suot ko. Ang girly girly."

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Baliw ka talaga. Kapag nasa SAS ka nga napasusuot ka nila ng Pink, problema mo? Yung totoo lang friend ah?"

Napaupo ako. "Hmm. Kasi naman.."

"Ano?"

"Galit siya! He's mad! Really really mad! Ayaw niya yung suot ko. Masyado daw revealing."

"Who? Elmo? Paano ba niya nalaman?"

Napa-pout naman ako. "Nag post ako ang picture eh. Nakita niya. Buburahin ko sana kaso baka magtaka yung iba."

"Kasalanan mo yan! Sus. Alam mo kung hindi mo pinost yun edi hindi sana magagalit yung Muppet. Alam mo naman na over over kung maka protect sayo ang loverboy mo eh!"

Mas lalong humaba ang pag-nguso ko. Kasi naman! Kasalanan ko talaga eh. Dapat hindi ko na talaga nilabas yung pic na yun. Kainis.

"Maq, anong gagawin ko? Alam mo naman na magulo kami ngayon diba? Ayoko naman na ng dahil dito mabawasan yung oras naming dalawa."

Ngumiti sakin si Maqui. "Julie, kahit naman na magalit siya sayo ngayon, sure naman ako na mapapatawad ka niya kaagad. Kelan ka ba niya natiis? Mahal na mahal ka nung mokong na yun noh!"

"Hmmm..sinong may sabing hindi niya ko natitiis? Kung mahal talaga niya ko bakit gusto niyang maghiwalay muna kami ng landas? Bakit ayaw niya na magsama kami? Na bumalik ang loveteam namin?"

Tumabi sakin si Maqui at bahagyang sinampal ang pisngi ko.

"Para saan yun?"

"Para magising ka sa katotohanan na sa sobrang pagmamahal sayo ng gagong yun, nagagawa niyang mag sakripisyo para lang hindi ka madamay sa lahat ng gulong ito. Intindihin mo naman siya Juls. Nakalimutan mo na ba kung paano kayo nagsimula?"

Napaisip ako. Tama nga naman si Maqui. Masyado na atang nasasakop ng utak ko ang pagkawalan ng pag-asa na babalik kami kaagad.

"Maq, paano mo nasasabi yang mga yan?"

Tumingin ako sakanya. Tumingin naman siya sa salamin.

"Alam mo hindi mo na ko kailangan tanungin kung paano ko nalaman kasi yung mga taong nakapaligid sainyong dalawa at nakakakita ng totoo sa likod ng camera ang makakapagsabi ng mga totoo sainyong dalawa. Ikaw dapat ang pinaka nakakakita nun diba?"

Napayuko naman ako. Nakaka guilty naman yung mga sinabi ni Maqui. Ako dapat ang nakakakita ng lahat ng iyon pero heto ako at kung ano ano pa ang naiisip ko.

"Hayy. Tama ka nga. Dapat hindi ko na pag-isipan si Elmo ng ganun. Mahal niya ko. Pinaparamdam niya yun sa abot ng makakaya niya."

"Kaya nga Juleng, suklian mo nalang yung pagmamahal na yun."

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon