"Universe"

6.6K 49 2
                                    

"Universe"

"Can you accompany my son tonight?"

Nagulat ako sa sinabi ni Mommy. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya yun. Kaya naman pala nakipagkita siya kay Janine kanina. Ito pala ang dahilan.

"Mom?"

Tiningnan lang ako ng masama ni Mommy. Sinasabi niya na pumayag ako kasi ayaw niyang mapahiya kami sa harap ni Janine at ang Mommy nito.

"Oo naman. Papayag yan si Janine. Right anak?" Sabi ni Tita Lotlot.

Tumingin sakin si Janine at ngumiti. Ako naman napabuntong hininga nalang. Ano pa ba ang magagawa ko? Kapag nagdesisyon na sila, wala na akong magagawa. Kasabay ko na si Janine sa kotse. Nasa loob na din naman ang mga gamit ko.

"Sorry for this. Alam ko na napipilitan ka lang."

Ngumiti siya sakin. "Ano ka ba. Ok lang yun noh. Hayaan na natin. Part ng promo eh."

"Hayy. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa natin gawin ito eh malapit naman ng matapos ang villa."

"Wala tayong magagawa kundi ang sumunod."

Pareho kaming napabagsak ang balikat. Ang hirap ng sitwasyon naming dalawa. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan yun.

Shit.

Napakamot ako sa ulo ko. Ako nga pala ang susundo sakanya. Napatingin sakin si Janine.

"Problem?"

Tumango ako. Ngumiti ulit siya sakin. Kinuha niya ang cellphone niya. May tinawagan ito.

"Ibaba mo nalang ako sa may gasoline station."

"Ha? Bakit?"

"Nagpasundo ako sa driver ko. Magkita nalang tayo dun."

"Pero Janine.."

"Moe, ayos lang ako. Mas importante ang girlfriend mo. Go na."

Napangiti naman ako. Isa sa mga gusto ko kay Janine? Naiintindihan niya ang sitwasyon ko. Namin. Tulad ng sabi niya binaba namin siya sa may gasoline station. Hinintay muna namin ang sundo niya bago kami pumunta sa girlfriend ko. Ilang sandali pa narating na namin ang isang resto. Naisipan namin na dito magkita.

"Tito!" Tawag ko.

"Oh? Elmo? Ang gwapo natin ah?"

Napangiti naman ako. "Salamat po at pumayag kayo na sabay kami ni Julie."

"Basta ba mag-iingat kayo ah? Yung mga kilos niyo wag masyadong pahalata."

Tumango naman ako. "Oo nga po pala, mga 12 ko na po maibabalik si Julie sainyo. Ayos lang po ba yun? May surprise po kasi ako sakanya."

Tinapik niya ang balikat ko. "Pustahan tayo lalagpas pa yan sa oras na binigay mo. Haha. Ito oh." Abot niya sa isang bag.

"Ano po ito?"

"Pinahanda ko na yung gamit niya. Bukas mo na ibalik sa bahay. Basta Elmo ah? Nagtitiwala ako sayo. Wag mong sirain. Ayoko pang maging Lolo."

Natawa naman ako. "Salamat po Tito. Ikaw na talaga ang the best."

"Oo na. Nag CR nga pala si Julie. Napakatagal. Masyadong nagpapaganda para sayo."

Napangiti naman ako. Maya maya may lumabas na babae. Isang napaka gandang babae.

"Hello. Bagay ba sakin?"

Nakatulala lang ako sakanya. Kinakabisado lahat ng parte ng lahat ng madaanan ng mata ko. Ang swerte ko ba talagang nilalang?

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon