"Wedding Singer"

7.8K 36 2
                                    

"Wedding Singer"

Wedding day. Lahat nagkakagulo. Lahat busy para sa araw ng kasal ko. Lahat naghihintay para sa araw na toh. Ang maikasal ako sa babaeng nakasuot ng gown na puti. Simple lang ang suot ko at mukhang gwapo naman ako dito. Mula dito nakita ko ang mga taong isa isang dumadating para masaksihan ang araw na ito. Sa bawat pagdaan nila lagi nila akong binabati.

Anong ginagawa ko? Tama na ang isang ngiti. Hindi ko makuhang magsaya. Oo tama kayo. Hindi ako masaya. Weird ba? Araw ng kasal ko tapos hindi ako masaya? Ganun talaga eh. Wala akong magagawa. Bakit nga ba hindi ako masaya?

"Sana kasi siya nalang ang bride ko."

Yan ang tumatakbo sa isip ko. Hindi kasi yung babaeng pinapangarap ko ang maglalakad papunta sakin. Hindi siya ang papakasalan ko. Ibang tao. Taong hindi ko mahal. May narinig ako. Magsisimula na daw ang seremonya.

Isa isang naglalakad lahat ng kasali sa kasal. Paunti sila ng paunti. Hanggang sa may kumanta na at hanggang sa nakita ko na siya...

Napangiti ako.

There she is.

She's wearing white match with a very beautiful smile.

Oh. Hindi ko alam na mas may igaganda pa pala siya bukod sa kanyang ngiti. Palagi naman siyang maganda sa aking paningin pero iba pala ngayon. Sa araw ng kasal ko. Halos maglaho na lahat ng tao sa paligid ko ng siya ang makita ko.

"She's beautiful."

Tumango nalang ako sa bestman ko.

"She is."

Yung sobrang tipid na ngiti na ginagawa ko kanina biglang napalitan ng saya at tuwa ng makita ko siya.

"Alagaan mo siya, Isagani."

Kinuha ko ang kamay niya. Nakipagkamay muna ako sa mga magulang niya at inakay siya sa harap ng altar. Nasa tapat na kami ng kahariaan ng Panginoon. This is it.

"Isagani."

May narinig akong tawag. Lumingon ako. Bakit naman kaya? Istorbo sila sa tinitingnan kong ganda.

"Ok! Cut!" Nakita ko na papalapit sakin si Direk Gina.

"Direk?"

"Isagani, anong problema? Ok na eh. Ang ganda na nung pasok. Ang ganda na nung eksena. Pero may mali. Ang tagal mong umupo. Nakaupo na yung bride mo oh."

Tumingin ako sa katabi ko. Tama. Ako nalang pala ang nakatayo.

"Ok. Mag break muna tayo baka pagod ka lang kanina ka pa kasi dito sa set at walang pahinga. Guys! Break muna!" At umalis muna si Direk Gina pero bago pa siya makalayo bumulong siya sakin.

"Elmo, ang galing mo. Perfect na yung mga tingin mo kanina pati yung smile. Ang ganda din pero sana sa bride mo ikaw nakatingin ha? Hindi po sa wedding singer. Haha! Sabi na nga ba at tama ang desisyon ko na siya ang gawing wedding singer dito sa kasal mo eh. Nakita ko ulit yung spark sa mata mo nung ginagawa natin yung workshop ng Just One Summer."

At umalis na si Direk Gina. Tumingin ako sa kanina ko pa tinitingnan. Ang babaeng nagpapawala ng lahat ng tao sa paligid ko kanina. Nakangiti siya sakin at natatawa. Napailing nalang ako at napangiti.

"Naka glue na ba yang smile mo sa labi mo? Kanina pa yan eh. Tigil tigil din baka naman mapunit yan."

Napatingin ako sa bride ni Isagani.

"Ano yun?"

Tumayo siya. "Wala po. Kita mo oh? Hindi mo na naiintindihan ang mga sinasabi ng mga taong nasa paligid mo. Ibang klase ka talaga. Haha! Makaalis na nga."

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon