"Wakas"

6.3K 43 2
                                    

"Wakas"

Lahat ng istorya may katapusan. Parang yung sa amin. Ang love story namin may katapusan. May ending. Ang masaklap lang hindi happy ending.

"Kamusta ka na?" Tanong ng kaibigan kong si Danica.

"Moving on.." Sagot ko sakanya.

"Sigurado ka ba talaga sa naging desisyon mo? Pinag-isipan mo bang mabuti yan?"

Tumingin ako sa ibang direksyon.

"Oo naman."

"Bakit mo ba pinakawalan? Bakit ka bumitaw kung siya naman pilit kang pinaglalaban?"

Napayuko ako. Kahit ako hindi ko alam kung bakit ako umabot sa desisyon na kailangan kong wakasan ang istorya namin.

"Gusto ko lang maging malaya."

"Malaya? Bakit? Hindi ka naman niya pinipigilan sa mga gusto mo ah? Naging saksi ako sa pagmamahalan niyo at masasabi ko na mahal ka niyang talaga dahil lahat ng gustuhin mo kahit pa labag sa loob niya, hinayaan ka niya basta kung saan ka masaya dun siya."

Tama siya. Lahat nga ginawa niya para sakin. Lahat ng gusto ko yun ang nasusunod. Lahat ng bagay na ayaw ko ginugusto niya para lang mapasaya ako. Lahat ng yun ginawa niya para sakin pero tinapon ko yun.

"Mali nanaman ba ko?"

"This time? Yes. Alam mo ba kung bakit mali ka nanaman?"

"Bakit?"

"Wala ka kasing CRUST sakanya."

Napakunot noo ako. "Crust? Kelan pa naging pizza ang boyfriend ko?"

Natawa naman siya. Baliw talaga toh.

"Echos lang! Haha. I mean TRUST. Haha!"

Napailing nalang ako. "Kung ano anong pinagsasabi mo. San mo ba napupulot yang mga pinagsasabi mo?"

"Haha. Dyan lang sa kanto."

"Baliw. So ano na nga? Tingin mo hindi ko talaga siya ganun pinagkakatiwalaan?"

Tumango naman ang abnormal kong kaibigan na hanggang ngayon ay natatawa pa din.

"Tumigil ka na nga sa pagtawa mo. Grabe! Alam mo hindi ko alam kung ilang kilong shabu ang natira mo."

"Haha! Ok. Hindi na hindi na. Alam mo friend, ikaw lang makakasagot niyan eh. Try mo kaya siyang kausapin para naman magkaintindihan kayo. Ilang araw ka ng tulala at wala sa sarili. Sasabihin mong ok ka pero hindi naman. Bigyan kita ng example, gumawa ka ng isang kanta para sakanya na puno ng hopia na sa bandang huli kayo pa rin. Dun palang nasasabi na hindi ka makakapag move on sakanya dahil siya lang ang mahal mo."

"Grabe ka naman. Ginawa ko naman yung kantang yun para sa gaganapin na general assembly ng lahat ng estudyante."

"Yun na nga eh. Gumawa ka nga ng kanta about naman sa buhay pag-ibig mo. Kaloka toh."

Hayy.

"Ohh..friend. Kung ako sayo kakausapin ko na siya."

"Paano? Eh hindi nga siya nagpapakita sakin? Sure ako masama pa ang loob niya. Sinaktan ko siya at sa tingin ko hindi na niya ko mapapatawad."

Naramdaman kong tumayo si Danica.

"Saan ka pupunta?"

"Sa classroom. Feeling ko kailangan ko silang tulungan sa pag-aayos dun eh."

"Iiwan mo ko?"

Tumango siya. "May kasama ka naman eh."

"Ha? Sino?"

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon