"Swag"

6.9K 42 3
                                    

"Swag"

Gerald Anderson.

Napag-alaman ko na crush rin pala niya si Gerald. Naiinis ako kasi hindi ko man aminin gwapo nga talaga yung lalaki na yun. Maputi naman ako. Gwapo din naman. Naiinis nga ako kasi sabi ng mga fans ko hindi na daw ako mukhang fresh. Paano ko mapapantayan ang crush niya kung ganito na ang itsura ko?

Tumingin ako sa salamin. Bagong gupit naman ako pero mukha pa rin akong tatay. Kailangan ko ibalik si..

"Elmo Moses A. Swagalona"

Binuksan ko ang closet ko. Madami akong damit na hindi pa nagagamit. Ito na ang oras para isuot ko yun. Look pala ang labanan ngayon? Sige. Lalaban na ko. Inayos ko ang sarili ko at pumili ng maganda damit na pwedeng suotin.

"Mosey?"

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko. Si Saab.

"Oh? May kailangan ka?"

"Wala naman. Anong ginagawa mo? Bakit ang daming damit na nagkalat sa kama mo? May lakad ka ba?"

Umiling naman ako. "Wala naman. Gusto ko lang maghanap ng damit na magmumukha akong pogi."

Narinig ko naman na natawa siya.

"Mosey, gwapo ka naman ah? Ikaw ang pinaka gwapong brother. Teka, may pinagseselosan ka kaya ka ganyan noh?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ano? Ako? Magseselos? Hindi noh, kanino naman?"

"Hmm. Balita ko kasi kasama ni Julie si Gerald Anderson. Ang gwapo nun. Hot pa."

Mas lalo atang nag-init ang dugo ko ng marinig ko yun sakanya. Nag peace sign siya sakin. Kilala talaga ako ng kapatid ko.

"Isipin mo ang gusto mong isipin. Bahala ka. Basta kailangan bumalik ang dating Elmo."

"Dating Elmo? Bakit nawala ba? Iba na ba yung Elmo na kaharap ko ngayon?"

Napaisip ako. May mga bagay na nagbago sa sarili ko pero isa lang ang hindi nagbabago. Ang nararamdaman ko para sa taong yun. Ang lakas pa rin kasi ng dating at epekto niya sakin.

"Hindi siya nawala. Alam mo tama ka. Hindi ko na ibabalik ang dating Elmo. Ayoko na sa Elmo na mahina ang loob at hindi kayang ipakita ang totoong nararamdaman niya. Iba na ang Elmo na ipapakita ko ngayon. Bagong Elmo."

Ngumiti siya sakin. "Basta kahit ano at sinong Elmo ka pa, mahal pa din kita."

Ngumiti ako sakanya. Sana siya din. Sana mahal pa din niya ko. Mahalin niya pa rin sana yung bagong Elmo.

******

Ang gwapo ni Gerald. Napatulala talaga ako ng makita ko siya. Ang gwapo at ang hot. Ewan ko ba pero crush ko talaga siya eh. Kung ito ang maging boyfriend ko, ako na siguro ang pinaka maswerteng tao sa pilipinas.

"Julie."

Ang bango pa niya nung nagbeso siya sakin. Amoy pogi. Amoy gwapo.

"Julie, anak."

Napahinto ako sa pag-iisip ng marinig ko si Mama na kinakausap ako.

"Yes Ma?"

"Kanina pa may tumatawag sayo, hindi mo ba sasagutin?"

Tumingin ako sa cellphone ko. Nakita ko ang pangalan niya. Tumingin ako kay Mama.

"Sagutin mo na yan kasi paalis na tayo."

Tumango naman ako. Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot yun. Mabilis lang ang pag-uusap namin. Napatingin ako sa cellphone ko ng matapos ang tawag.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon