"JAboracay"

7.3K 31 1
                                    

"JAboracay"

Magkasama nanaman sila. Hanggang sa Boracay kailangan magkadikit pa din sila? Bawal na ba silang maghiwalay? Hay.

Someone's calling..

Siya.

"Hey." Sabi ko.

"Are you mad?"

Mad? Hindi. Hindi naman galit ang nararamdaman ko ngayon kundi selos. Nagseselos ako kasi wala ako sa tabi niya. Nagseselos ako kasi hanggang dun magkasama sila.

"No." Pagsisinungaling ko.

"Maniwala? Sorry na po."

Napangiti ako. At least kahit malayo kami sa isa't isa hindi niya nakakalimutan ang pag-uugali ko. Lalo na kung paano ko siya pakitunguhan kapag may ganitong pangyayari.

"Hindi nga po. Kamusta naman ang Laboracay?"

"Hmm. Hindi masaya."

"Bakit?"

"La ka kasi eh. Kaya La-boracay. La kwenta. La Julie."

Bahagya akong napatawa. Ang corny talaga niya kahit kelan. Pero sweet ah? Simple lang naman yun pero ramdam ko ang kuryente na bumabalot sa katawan ko.

"Ang dami mong alam."

"Siyempre naman."

"Seryoso nga, anong ginagawa mo? Kamusta naman dyan?" Gusto ko lang talaga malaman kung kasama ba niya si Janine.

"Anong ginagawa ko? Nandito sa loob ng kwarto. Inaantay na matapos ang araw na toh. Wala naman masyadong pangyayari dito. Maliban sa mga nagtatagong press para kunan kami ng litrato."

Hanggang dun din kailangan kunan sila ng litrato? Hanggang dun kailangan makakuha sila ng scoop para ilabas sa publiko? Para lang masabi na sweet sila at magkasama? Para lang sa PROMO?

"Ganun ba. Ikaw talaga. Mag enjoy ka kaya dyan. Pwede ka naman mag ikot ikot eh. Sayang naman ang pagpunta mo dyan kung ganyan ka din naman at nagkukulong sa kwarto."

"Dapat talaga sinama na kita eh." Narinig ko ang pagmamaktol niya.

"Alam mo naman na malabo yang iniisip mo diba?"

"Walang malabo pagdating sayo. Kita mo nga malinaw na malinaw sa paningin ko na ikaw ang babaeng para sa sarili ko."

Natawa naman ako. "Corny Moe."

Natawa din siya. Namimiss ko na ang mga tawa niya.

"Hindi naman. Sweet lang."

"Tss. Oo nga pala, kapag lumabas ka? Anong suot mo?"

"Malamang damit. Haha!"

"Eeeh. Seryoso nga? Naka sando ka ba o topless?"

"Haha. Sando po. Bakit mo ba tinatanong? Kinakabahan ka ba na makita ng mga tao ang magandang katawan ng boyfriend mo?"

Hindi. Ayoko lang makita ni Janine ang katawan mo. Baka agawin ka pa sakin. Nung first time ko kasi na makita siyang topless parang huminto ang mundo ko. Ang hot naman kasi. Yummy pandesal. Ui! Pervert ka Julie! BAD!

"Kapal mo."

"Haha. Eh bakit nga?"

"Baka..baka kasi lamigin ka tapos magkaubo kapag nag topless ka."

Narinig ko ang sobrang lakas na tawa niya sa kabilang linya. Nakakainis na nakakatuwa talaga siya. Oo na. Alam kong alam niya na nagseselos ako. Hindi kasi ako showy.

"Sigurado ka ba dyan? Yan talaga ang dahilan mo?"

"Oo naman. May iba pa ba?" Tanong ko. Oo. May iba pa. Ako lang kasi dapat ang makakita niyang katawan mo.

"Akala ko kasi ayaw mo na mahawakan ng mga girls dito ang sexy body ko."

"Sexy girls? Sige! Dun ka sa sexy girls mo. Tandaan mo pagbalik mo dito sa Manila wala ka ng girlfriend."

"Uii. Joke lang ito naman. Gusto mo nag jacket pa ko eh! Wala naman akong girls dito. At yung girl ko nasa Manila. Kausap ko ngayon sa phone."

Ang galing talaga ng mokong na toh na magpakilig. Kainis.

"Ewan ko sayo."

"Seryoso nga Julie ko. Ikaw lang ang babae ko. Ang sexy lady ko."

"Totoo?"

"Oo naman."

Talo talaga ako pagdating sa sweetness niya. Bigla bigla nalang nagbabago ang mood ko pagdating sakanya. Hay. Bakit ba sobrang mahal ko tong taong ito?

"Si Janine?" Wala naman akong balak tanungin siya pero gusto ko lang malaman.

"Nasa labas kasama nila Tim."

"Ohh? Sexy ba? Haha."

"Mas sexy ka."

Ayan nanaman po siya.

"Alam ko."

Natawa siya. "Next time tayong dalawa naman ang pupunta dito ah?"

"Kelan naman yun?"

"Kapag pumayag si Tito na pwede kong itakas ang panganay niya."

"Haha. Magtatanan lang?"

"Oo. Haha. Sasama ka naman diba?"

Napangiti ako. "Basta ikaw ang kasama ko. Sasama ako kahit saan pa yan."

"Kinikilig naman ako."

Natawa kaming pareho. Napahinto lang kami sa pagtawa ng marinig ko ang boses ni Tim. Niyayaya niya si Elmo na lumabas.

"Ayokong lumabas." Sabi niya.

"Sige na, pagbigyan mo na si Tim."

"Hay. Mas gusto kong kausap ka kesa lumabas pa."

"Ok lang naman sakin. Mamaya nalang ulit tayo mag-usap. Basta wag kang iinom ah? Alam ko magyayaya yan sa bar."

"Yes Ma'am."

Isang araw palang ang nakakalipas ng magkalayo tayo at feeling ko parang ilang years na tayong hindi nagkikita. Namimiss ko na siya. Sobra.

"Sige na. Ingat ka ah?"

"Baby?"

"Hmm..,"

"Ngayon ko lang na realize na wala talaga ako sa boracay."

"Ha? Bakit?"

"Kasi kahit nandito ako sa boracay, ikaw pa rin ang naiisip ko. JAboracay ang dapat tawag dito eh."

Bahagya akong napatawa.

"Oo na po. Sige na, ikaw na sweet."

"Hehe. I love you."

"I love you too. Balik ka na ah? Miss na kita eh."

"Yes baby, maybe tomorrow?"

Napangiti ako. "See you tomorrow. Ako magsundo sayo ah?"

"Yes baby."

Hindi naman ako selfish na tao pero gusto ko akin lang si Elmo. Mapaghanap ako ng atensyon sakanya mula ng makapareha niya si Janine. Natatakot ako na baka mainlove siya kay Janine. Mabait yung girl. Malay mo diba? Pero naniniwala ako na ako lang ang mahal niya. Mahal niya ko kasi pinaparamdam niya kahit sa mga simpleng bagay lang.

"Mahal kita, yummy boy."

Sabay halik sa phone.

"Mahal din kita, yummy girl."

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon