"Listen"

1.2K 46 1
                                    


"Listen"

Napamulat ako ng mata ng maramdaman ko na may humahaplos sa pisngi ko. Napatulala ako sa taong gumagawa nun. Gusto ko siya tanungin kung bakit siya nandito pero parang nabato ako at hindi ako nakapag salita. Tumingin ako sa orasan sa tabi ko. Wala pang isang oras akong natutulog.

"Come with me.."

Sabi niya. Tinayo niya ko. Nakatulala lang ako sakanya. Bumaba kami sa hagdanan namin sa bahay. Gabi na at wala ng tao sa kalsada. Naglakad lang kami. Hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin. Hindi ko din naman alam kung paano ko pipigilan ang mga paa ko sa pagsunod sakanya. Ilang minuto din kaming naglalakad hanggang sa huminto siya. Madilim ang parte na yun. Hindi mo alam kung nasaan ka o kung anong dadaanan mo. Basta madilim lang doon at walang ilaw kahit isa.

"Maglakad ka."

Napatingin ako sakanya.

"Maglakad ka dyan mag-isa."

Tumingin ulit ako sa madilim na parte na yun. Doon nagising ang diwa ko.

"Bakit ko gagawin yun? At tska bakit mo ko dinala dito? Bakit ka nandito?"

Tumingin siya sakin.

"Gawin mo nalang, Julie."

"Ayoko, Moe."

"Paano mo makakaya kung hindi mo pa sinusubukan? Maglakad ka lang."

Umiling ako. "Hindi ko gagawin ang gusto mo, Elmo. Kung gusto mo ikaw nalang. Ikaw nalang ang maglakad dyan."

Aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sakanya.

"Trust me."

Nangungusap ang mata niya ng sabihin niya yun. Tumingin ulit ako sa madilim na daanan na yun.

"Bakit mo ba ko gusto maglakad dyan?"

"Malalaman mo ang sagot kapag nakapag lakad ka na dyan."

"N..Natatakot ako.."

Humarap siya sakin.

"Wag kang matakot. Nandito naman ako eh."

"Sasabayan mo ba ko maglakad?"

Umiling siya. "Ikaw lang mag-isa, Julie."

"Moe.."

Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.

"Pangako, nandito lang ako."

Muli kong tiningnan ang daan na yun. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa o kung bakit ko siya sinusunod. Siguro, gusto ko din malaman ang sagot. Bakit nga ba?

Humakbang ako ng isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

Huminto ako. Nakikita ko na kasi na medyo malayo na ang agwat ko kay Elmo. Sa hindi malamang dahilan naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

"N..Natatakot na ko, Moe.."

"Kayanin mo Julie."

Natahimik ako. Bakit ayaw niya kong samahan? Ang sabi niya sabay kami pero iniwan niya ko. Hindi niya ko sinabayan. Naglakad ulit ako. Para mawala ang kaba ko, nag kwento ako.

"Alam mo ba na natatakot ako? Hindi pa pala talaga ako macho kasi nasasaktan ako. Natatakot ako sa mga pwede kong harapin. Natatakot din ako na humarap sa tao. Kapag may tao ako na nakikita, natatakot ako. Hindi ko alam baka saktan nila ako. Ayokong mag-isa. Gusto ko may kasama palagi. Nagiging duwag na ang isang machong katulad ko."

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon