"Nakaw"

1.9K 62 0
                                    

"Nakaw"

Dali dali akong bumaba ng sasakyan. Maglalakad na sana ako ng bigla akong tinawag ni Max.

"Hey! Saan ka pupunta? Sabay tayong maglalakad sa red carpet."

Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Hindi ba pwedeng ikaw nalang muna?"

Umiling siya. Kinawit niya ang kamay niya sa braso ko.

"Max??"

"Stop it, Mosey. Makikita mo din siya later. Relax, okay? Ang gwapo mo tonight tapos ganyan ka kaaligaga?"

"I don't care. Alam mo naman na.."

Tumango siya. "Yeah I know. That guy na pinagseselosan mo? Ano ka ba, mas gwapo ka kaya."

Napailing nalang ako at napangiti.

"Ewan ko sayo, Max."

"But seriously Moe..just be yourself tonight. Show him that you, Elmo Magalona is the only man in Julie's life. Most especially in her heart."

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Naglakad na kami. Madami namang tao at as usual camera at press. Tumitingin ako sa paligid at hindi ko pa din nakikita si Julie. Where is she? Hindi ako mapakali hangga't hindi ko siya nakikita lalo na at hindi ko pa din nakikita yung hinayupak na lalaki na yun.

"Speaking of.."

Napatingin ako kay Max. Anong sinasabi niya. Ngumuso siya. Nakita ko yung lalaking yun. Ang smile about hanggang talampakan.

"How did you know?"

Natawa si Max. "You're thinking out loud, brother."

Napabuntong hininga nalang ako. Interview dito, interview doon. Nakakasawang sumagot sa mga tanong nila. Paulit ulit kasi. Tumingin ako sa paligid ko at wala na sa paligid yung lalaki.

"Where is he?"

Tinapik ni Max ang balikat ko.

"Go now. Alam ko naman na kanina mo pa gustong puntahan si Julie."

"Thanks!" Ngiti ko sakanya sabay alis.

Nagpunta ako sa backstage. Tumingin ako sa loob ng mga dressing room doon.

"Uhmm, excuse me. Nasaan ang dressing room dito ni Julie Anne San Jose?"

"Doon po sa dulo, Sir." Sagot ng isang staff.

"Thanks!"

Naglakad ako papunta sa dulo. Hinanap ko siya. Nakita ko na bukas ang pinto. Sumilip ako at nakita ko si Julie. Nag ma-make up. Kakatok na sana ako ng bigla kong marinig yung lalaki.

"Goodluck sa performance mo."

Ngumiti naman si Julie.

"Salamat."

Lumapit yung lalaki kay Julie at hinawakan ang kamay nito. Nakita ko na nagulat si Julie. Ako naman? Gusto ko siyang saktan.

"Seryoso talaga ako sayo sana bigyan mo ko ng chance na maipakita yun."

Naiilang naman na inalis ni Julie ang kamay niya mula sa pagkakahawak nung lalaki. Nagulat naman ako ng bigla namang may humawak sa balikat ko.

"Tito?"

Bahagya siyang ngumiti.

"Masamang mamboso."

Tumingin siya sa tinitingnan ko. Napaiwas ako ng tingin. Naiinis talaga ako. Gusto ko talagang manakit ngayong gabi. Nabalik lang ako sa sarili ko ng marinig ko si Tito Jonathan na tumatawa.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon