"Safe Haven"

1K 32 0
                                    


"Safe Haven"

"Flowers nanaman?"

Napangiti ako ng makita ko na may hawak na bulaklak si Papa. Kinuha ko ito sa kamay niya.

"Yung manliligaw mo hindi talaga tumitigil noh?"

"Papa naman. Hayaan mo nalang po."

"Tss. Sige na at mapupunit na yang labi mo sa kakangiti. Banat na banat."

Pumasok na siya sa loob ng bahay. Naiwan akong nakangiti sa labas ng pinto. Tiningnan ko yung bulaklak. Ang ganda at ang bango bango. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nag text. Bigla naman siyang tumawag.

"Hi."

"Hello! Nagustuhan mo ba?"

Tiningnan ko yung bulaklak.

"Hmm. Oo, pero mas magugustuhan ko kung ikaw ang nagbigay."

"Ganun ba?"

Nakarinig ako ng pagkatok sa gate. Pumunta ako doon at binuksan yun.

"For you."

Patuloy ako sa pagkurap ng makita ko siya na nasa labas. May hawak siyang isang stem ng rosas. Kinuha ko naman yun mula sa kamay niya. Binaba ko na din ang cellphone ko.

"Uhm..ahh..ehh..thank you." Nahihiya kong sabi.

Natawa naman siya. "Your welcome."

Inakay niya ko papunta sa kotse niya. Binuksan niya yung likod ng kotse niya at doon kami umupo. May mga nakalagay doon na gamit niya. Maayos na ito hindi katulad ng dati.

"Ayy wait, kumain ka na?"

Umiling ako. "Hindi pa. Nagluluto pa si Mama eh. Dito ka na din kumain."

Ngumiti siya. "Tamang tama pala ang dala ko."

May kinuha siya na basket. May nilabas siya na pagkain doon.

"Nagluto ako para sayo."

"Ohh..ang dami naman niyan."

Ngumiti siya sakin. May isang paperbag doon. Kinuha niya yun tska pumasok sa loob ng bahay namin. Ilang minuto din siyang nawala at pagbalik niya kasama niya si Papa na kumakain ng garlic bread. Siguro dala niya kasi may garlic bread din dito.

"Thank you, Nak ah? Sige lang date lang kayo."

Napailing nalang ako. Kanina nagrereklamo si Papa ngayon naman date lang kayo. Bumalik siya sa tabi ko. Hinanda niya naman ang mga kakainin namin.

"Talagang nagdala ka ah?"

Tumango naman siya. "Mas maganda na yung luto ko diba?"

"Masarap ba yan?"

Ngumisi siya. "Ako pa? Chef Elmo Magalona ito noh!"

"Sige nga."

Sinubuan niya ko ng dala niyang pasta. Ang sarap! Favorite ko talaga ito.

"Ang sarap ah?"

"Siyempre naman. Ayy may kulang."

Pumunta siya sa harap ng kotse. Nilagay niya ang cellphone niya doon. Tumugtog ito. Yung mga naririnig natin sa isang fancy resto ang madidinig mo. Bumalik siya sakin.

"Para saan?"

"Siyempre. Para kumpleto na diba? Wala man tayo sa isang resto ngayon at least feeling mo nasa fancy resto ka pa din."

Natawa nalang ako sakanya. Maparaan talaga ang lalaking ito. Napagkasunduan kasi namin na hindi muna kami mag da-date sa mamahaling restaurants. Mas gusto ko yung kami lang talagang dalawa.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon