"Forever"

2.4K 56 0
                                    

"Forever"


Lakad dito. Lakad doon. Yun lang ang ginagawa ko. Walang nakakaalam na umalis ako ng bansa. Si Kuya Jay lang.


"Kuya Jay? Hindi pa ba ko pwedeng pumunta sa shoot niya?"


Umiling siya. "Moe, hindi pa pwede. Busy pa si Julie eh. Tska kilala kita. Kapag nagselos ka aba matinde pa sa lightning ang bilis mo so dito ka na muna, okay?"


Lumabas na muna siya sa kwarto ng hotel na kinuha ko. Napaupo ako sa kama.


"Bakit kasi hindi ako pwede pumunta dun?"


Bigla akong nakarinig ng tunog ng cellphone. Naiwan ni Kuya Jay ang cellphone niya. Tiningnan ko naman yun. Halos mapasuntok ako sa nakita ko. That guy..anong karapatan niya para hawakan ang kamay ng girlfriend ko? Hindi na ko nakatiis. Pupunta na ko sakanya.


"Saan ba yun?"


Tiningnan ko yung location dun sa cellphone ni Kuya Jay. Malapit lang. Sumakay ako ng cab papunta dun. Hindi naman ganun kalayo sa hotel kung san ako tumutuloy kaya mabilis kaming nakarating.


"Thank you."


Nagbayad ako sa cab. Bumaba ako at nakita ko na may mga naka set up nga dun na camera. Nag cap ako para hindi ako makilala. Well, hindi naman talaga ako makikilala. Sino ba naman ako? Hindi naman ako artista dito sa America. Naglalakad ako ng biglang may lalaki na nakatayo sa labas. Kilala ko siya ah..


"Austin."


Anong ginagawa niya dito? Binabantayan ba niya si Julie? Dumaan ako sa may likod para hindi niya ko makita. Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Ninang Mariti. Kumuha siya ng video. Gusto ko sana magalit kay Ninang dahil kung ano ano kasi ang pinapasuot kay Julie. Naiinis ako!


"Nasaan na ba kasi siya?"


Nahinto ako sa paglalakad. Halos mapanganga naman ako ng makita ako si Julie na ka-holding hands yung lalaki. Siguro, on going lang yung shoot.


"Okay! That's a good take. Let's have a short break!"


Break time. Pinagmamasdan ko kung bibitaw na yung lalaki sa kamay ni Julie pero hindi. Nakaglue ba yun dun? Cut na ah?


"Uhm..my hand." Narinig kong sabi ni Julie.


Ngumiti yung lalaki. "Your hand is so soft."


Nanlaki ang mata ko pati ni Julie ng halikan ng lalaki ang kamay niya. Napakunot noo ako.


"Julie!"


Tinawag si Julie ni Ninang. Nagmadali naman na umalis si Julie. Iniwan niya yung lalaki. Naglakad siya papunta sa labas. Sinundan ko siya.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon