"Questions"

9.8K 31 1
                                    

"Questions"

Isang magandang babae ang nakahiga sa bubong ng bahay nila. Isa kasi ito sa mga lugar na pinupuntahan niya tuwing nararamdaman niyang mag-isa siya. Papalubog na ang araw at makikita mo na nagiging color orange na ang buong paligid.

"Sabi na nga ba nandito ka eh." Napamulat siya ng mata ng marinig niyang may kasama siya.

"Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?" Sunod sunod niyang tanong.

Ngumiti ang kanyang kausap. "Hi Julie Anne."

"Uhh..hmm..Hi Elmo." Nahihiyang niyang sabi.

Natawa naman si Elmo. "Now, pwede mo na bang sabihin sakin kung anong ginagawa mo dito? Kung bakit hindi mo sinasagot ang tawag ng lahat ng tao?"

Napailing nalang si Julie. "Kung bestfriend mo talaga ako dapat alam mo na ang sagot sa mga tanong mo."

Napatango naman si Elmo dito. "Tama ka nga naman pero kung ibabase natin ngayong araw..hindi ko masasagot ang tanong na dapat alam ko na ang sagot."

Napatingin naman si Julie sakanya. "Ikaw Elmo, bakit ka nandito?"

"Ako? Pinuntahan kita."

"Bakit mo ko pinuntahan?"

"Kasi nararamdaman kong kailangan kitang puntahan."

Pilit na ngumiti si Julie. Tumingin siya sa kalangitan at nakita niya na madilim na. Nararamdaman na din ni Julie ang malamig na simoy ng hangin. Tahimik lang silang dalawa. Si Elmo nakaupo lang sa tabi ni Julie habang si Julie naman ay nakahiga.

"Wala ka bang balak kumain?"

"Diet ako."

Napatango nalang si Elmo. "Eh ang matulog?"

"Kaya nga ako nakapikit ngayon kasi matutulog ako."

"Dito ka matutulog?"

"Masama ba kung dito?"

"Hindi naman."

Hindi na sumagot si Julie at tumahimik nalang si Elmo. Nahiga na din si Elmo sa tabi ni Julie at tumingin sa langit na puno na ngayon ng mga bituin.

"Julie."

"Hmm?"

"May problema ka ba?"

Umupo si Julie pero nakatingin ito sa ibang direksyon. "Hindi ka ba hinahanap sainyo?"

"Nagpaalam ako."

Tumingin si Julie kay Elmo na ngayon ay nakapikit.

"Ikaw? Nagpaalam ka?"

Tumango si Elmo. "Oo. Diba yun naman ang dapat? Magpaalam ka para hindi sila naghahanap."

Tumango naman si Julie. Tinitigan niya si Elmo. Si Elmo na bestfriend niya. Si Elmo na alam kung ano talaga ang totoong nararamdaman niya.

"Elmo."

"Oh?"

"Pwede ba kong humiling sayo?"

"Anything. Pwede mong hilingin sakin ang lahat pwera lang sa layuan ka o mawala ako sa buhay mo."

Mahinang natawa si Julie. "Kahit pa na gustuhin kong hilingin yan alam ko din naman sa sarili ko na hindi ko magagawang hilingin ang bagay na yan."

"Dapat lang. Ano na ba ang hiling mo?" Nakapikit pa din si Elmo.

"Pwede bang..pwede ba na.." Nauutal na sabi ni Julie.

"Ano?"

Tumingin si Julie kay Elmo. "Pwede ka bang magpanggap na Boyfriend ko at hindi bestfriend kahit hanggang 12 midnight lang?"

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon