"Picture"

2K 56 0
                                    

"Picture" 


"Okay ka lang?" 


Napatingin ako kay Julian. Ngumiti naman ako sakanya. 


"Yeah, I'm okay." 


Umupo siya sa tabi ko. "You're not good in lying but you're good in pretending. Come on, tell me. I can be your friend." 


Huminga ako ng malalim. Tumingin ako sa ibang direksyon. 


"I saw this picture last night." 


Tumingin ako kay Julian. 


"Medyo hindi ko siya nagustuhan. More of nasaktan ako sa nakita ko." 


"Dapat ba?" 


"Hmm?" 


Ngumiti siya. "Dapat nga ba na masaktan ka sa nakita mo?" 


"I don't know. I mean, para sakin wala nalang naman yun. Hindi naman yun ang unang beses na makakita ako ng picture na may kasama siyang babae." 


"Pero nasaktan ka? Wala lang sayo pero nasasaktan ka pa din? You must be really in love with him." 


Huminga ako ng malalim. 


"Love? Tingin mo love pa din ang nararamdaman ko?" 


"Eh ano ba ang nararamdaman mo? Hate? Jealousy? Mad? Angry? Hopeful? What?" 


"Hindi ko din maintindihan." 


"Juls, alam kong naiintindihan mo. Naguguluhan ka lang. Ramdam ko, mahal mo parin siya. Kahit pa gaano ka na niyang nasasaktan? Mahal mo pa din siya." 


Umiling ako. "I don't think so." 


"Don't pretend. Hindi ka masasaktan sa nakita mo kung hindi mo siya mahal. You really love Elmo." 


Tumango ako. "Okay, kung totoo man yung sinasabi mo na inlove parin ako kay Elmo, deserve ko ba na masaktan ng ganito?" 


Umiling siya. "Hindi. Pero deserve mong sumaya kasama siya." 


"Malabo naman ata yun." 


"Hindi siya malabo." 


"Malabong mangyari yun Julian. Me and Elmo? Magkaiba na kami ng buhay na tinatahak. Kung san naman siya masaya, masaya na din naman ako para sakanya." 


"Masaya ka nga para sakanya, masaya ba siya sa mga nangyayari ngayon? Masaya nga din ba siya para sayo?"

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon