"Ice Bucket"

4.3K 49 4
                                    

"Ice Bucket"

"Why are you crying?"

Agad ko siyang niyakap ng makita ko siyang umiiyak. Humihikbi lang siya. Hindi siya nagsasalita. Ano bang nangyari? May nagawa ba ko? Ako nanaman ba ang dahilan ng pag-iyak niya? Hinagod ko ang likod niya. Dinala ko siya sa sofa at inupo doon.

"Julie, bakit ka umiiyak? Anong nangyari?"

Wala pa din akong nakuhang sagot mula sakanya. Hinayaan ko nalang siya umiyak para mabawasan ang sama ng loob na dinadala niya. I swear kapag nalaman ko talaga kung sino ang nag-paiyak sakanya, malalagot sakin. Paano kung ako? Edi malalagot ako sa sarili ko?

"Sige lang, umiyak ka lang. Kapag wala ka ng luhang maiiyak sabihin mo sakin para kukuha ako ng sibuyas."

Nakakuha naman ako ng hampas sakanya. Napangiti ako. Ayun naman pala nakuha ko na din ang pansin niya. Tumingin ako sakanya. Ang sama ng tingin niya sakin.

"What?"

Umayos siya ng upo. "Wala. Moment ko ng umiyak tapos bibigyan mo ko ng sibuyas."

Natawa naman ako. "Baka sakaling makatulong eh."

"Ewan ko sayo."

Ngumiti ako sakanya. Sumandal ako at tumingin sa ibang direksyon.

"Ano ba kasing nangyari? Bakit bigla ka nalang kakatok dito sa green room at umiiyak ka pa."

Napabuntong hininga siya. Hindi muna siya nagsalita. Inabot niya sakin ang cellphone niya.

"Anong gagawin ko dito?"

"Panuorin mo."

Nakita ko ang Ice bucket challenge niya. Napatawa naman ako. Ang cute kasi niya eh.

"Oh? Anong meron dito? Haha. Ang cute cute mo. Talagang pinatulan mo yung hamon nila ah?"

Umirap siya sakin. Bakit kaya?

"Wala ka bang napansin dyan sa pinanuod mo?"

Pinanuod ko ulit yung video niya.

"Hmm, bukod sa cute ka at kitang kita ang ka seksihan mo, hmm..wala naman na."

"Tss." Kinuha niya ang cellphone niya.

"Hindi mo ba nakikita? Walang Ice."

Napakamot ako sa ulo ko. "Oh, yun lang pala. Ano naman ngayon kung walang ice?"

Tumingin siya sakin. "Kasi naman yung mga adiks, ginawa ko na nga yung challenge eh. Ang problema lang naman walang ice. Alam mo naman na sakitin ako diba? Akala ko naman maiintindihan nila pero hindi."

Napakunot noo ako. "Bakit? Ano bang sabi nila sayo?"

"Hmm..nagrereklamo sila. Bakit wala daw ice."

"Parang yun lang?"

Tumango siya.

"Eh kung galit ka ngayon sa Fans mo eh bakit ka umiiyak?"

Napayuko naman siya. Kinuha niya ang kanyang panyo at pinunasan ang luha sakanyang mata.

"Pakiramdam ko kasi binigo ko sila dahil walang ice yung binuhos sakin. Pakiramdam ko talaga na kasalanan ko eh."

Napailing nalang ako. "Ano ka ba wala ka namang kasalanan. Ikaw naman talaga. Masyado mo kasing mahal ang fans mo kaya ang bilis mong maapektuhan lalo na pagdating sakanila."

Tumingin siya sakin. "Mahal ko sila, alam mo yan diba? Mahal ko sila kaya ayoko na binibigo sila. Gusto ko silang mapasaya."

"Mapasaya? Mapapasaya mo ba sila kahit magkasakit ka dahil lang sa pagbuhos ng tubig na may yelo?"

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon