"Nothing"

1.9K 56 1
                                    

"Nothing" 


Importanteng araw ito para samin. May 30. This should be a perfect day for us but it turned out differently. This day? Nothing. 


No flowers. 


No balloons. 


No romantic dinner. 


No gifts. 


"Ayaw mo ba talagang lumabas tayo?" 


Nginitian niya ako. "Nasa labas naman tayo ah." 


Tumingin ako sa paligid. Oo, technically nasa labas talaga kami. Nasa labas ng bahay nila at nakaupo malapit sa kalsada. Tinawagan niya ko at sinabi niya na mag celebrate kami. Sabay daw naming salubungin ang special day namin. But look at this? Nandito kami at walang ginagawa. 


"So? What do you want to do now?" 


"Nothing." 


Napakunot noo ako. "Julie, you called me for this?" 


"Bakit? Ayaw mo bang makasama ako?" 


"Gusto ko. Yun naman ang hiling ko palagi diba? Ang makasama ka pero sana man lang may ginagawa tayo. I mean, kumakain sa labas." 


"Moe, hindi mo birthday at hindi ko din birthday para kumain tayo sa labas. And diba nung tumawag ako sayo tinanong kita kung kumain ka na?" 


Napabuntong hininga naman ako. 


"Akala ko naman kasi kakain tayo sa labas so konti lang ang kinain ko." 


"Nagugutom ka ba?" 


Umiling ako. "Kaya pa naman." 


Bigla siyang tumayo at pumasok sa loob. Lumabas siya na may dala siyang tubig at isang red velvet cupcake. 


"Here." 


"Thanks." 


Kinain ko ang binigay niya. Alam na alam kong siya ang nag bake nito. Sinubuan ko naman siya. Natapos kaming kumain. 


"Five years na tayo." 


Nginitian niya ko. "Five years na." 


"Ang tagal na ng love team natin noh?" 


"Yes. Hindi ko nga akalain na tatagal tayo ng ganito." 


Napangiti ako. "Ano bang meron satin?" 

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon