"Come back"

2.6K 64 0
                                    

"Come back"

Hindi ako mapakali. Para akong tanga dito na pinapadyak padyak ang paa ko. Mahinang sinusuntok ang tuhod ko. Halos magdugo ang labi ko dahil sa pagkagat ko sa labi ko.

"What's the problem?"

Bigla akong napatingin sakanya. Nakakunot noo siya at halata sa mukha niya ang pagtataka.

"May hindi ka ata nasasabi sakin.."

"Ang ano?"

Huminga ako ng malalim bago ko iabot sakanya ang cellphone ko. Nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Bigla siyang napatingin sakin. Umiwas naman ako.

"Uhm..Moe, ano kasi.."

Tumayo ako. Naglakad lakad. Iniisip kung anong dapat kong gawin, kung anong dapat kong sabihin sa sitwasyon na nangyayari.

"Moe, listen to me. Please?"

Huminto ako at tumingin sakanya.

"Julie, am I not enough?"

Tanong ko sakanya. Tumayo siya at lumapit sakin. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Moe, you are more than enough."

Napayuko ako. "I think..I think i need time to understand all of these."

Kinuha ko ang jacket ko at handa ng umalis ng hawakan niya ang braso ko. Kita ko sa mata niya na maiiyak na siya.

"Naiintindihan kita..at handa akong ibigay sayo ang time na hinihingi mo..but please...please Moe, come back to me.."

Pilit akong ngumiti sakanya at umalis na. Nagmaneho lang ako ng nagmaneho. Hindi ko alam kung saang lugar ako mapapadpad dahil wala ako sa sarili ko. Naalala ko yung mga panahon na yun kung san naging dahilan siya ng isang masamang panaginip.

"WHAT'S HAPPENING?"

"WALA NA BA TALAGA KAMING KARAPATAN NA SUMAYANG DALAWA?"

Sigaw ko habang hinahampas ang manubelang hawak ko. Napayuko ako. Umiiyak.

"Lahat nalang bumalik na..kelan kami babalik? Kelan mo siya ibabalik sakin?"

Inangat ko ang tingin ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang taong alam kong makakatulong sakin.

"Hello? Nasaan ka? Ahh. Ok sige. Nandito lang ako sa area. Can we meet now? Yes. Now na talaga. Sige, see you in a bit."

Nang matapos ang tawag agad akong nagmaneho sa lugar kung nasaan siya. Nakarating ako kaagad. Bumaba ako at hinanap siya. Nakita ko siya na nakasandal sa may fountain.

"Lo!"

Napatingin siya sakin. Tumakbo ako sakanya.

"Oh? Elmo? Bakit nakipagkita ka kaagad? Baka naman makita tayo dito ah at awayin nanaman ako."

Hindi ako nagsalita. Yumuko lang ako.

"Elmo?"

Naramdaman ko nalang na niyakap niya ko. Hindi ko na napigilan at napaiyak na ko. Nagtagal ang pag da-drama ko. Niyaya niya ko sa isang resto.

"Now, tell me..anong nangyari?"

Pinakita ko sakanya ang cellphone ko.

"Ohh..si Alden. Magkaibigan kayo diba?"

Tumango naman ako. "Oo, pero hindi naman mawawala sakin yung ala-ala noon noh."

"Ang alin? Nung nagkagusto siya kay Julie?"

Tumango ako. Napangiti naman siya sa sinabi ko. Napakunot noo ako.

"Why?"

"Mahal mo talaga siya noo pa man kahit pa tayo pa nung mga panahon na yun."

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon